4 boxing titles paglalabanan sa Manila Arena sa Sabado
APAT na championship boxing fights ang sasambulat sa Sabado, Disyembre 21, sa Manila Arena, Sta. Ana, Maynila.
Tampok sa “Knock Out: Only the strong will survive” fight card na handog ng MP Highlands sa pakikipagtulungan sa Games and Amusement Board (GAB) ang laban sa pagitan nina Carlo Magali (24-13-3, 13 KOs) at Al Toyogon (10-5-1, 6 KOs) para sa GAB Philippines at Asian Boxing Federation (ABF) super featherweight title.
Magsasagupa rin sina Carl Jammes Martin (14-0-0, 13 KOs) at Philip Luis Cuerdo (11-8-1, 4 KOs) para sa Philippine Boxing Federation (PBF) bantamweight crown.
Maghaharap naman sa isang eight-rounder sina Aiman Abu Bakar ng Malaysia at Asad Asif Khan ng India para sa International Boxing Organization (IBO) Oceania featherweight title.
Nakataya naman ang World Boxing Association (WBA) Asia female lightweight title sa bakbakan nina Suphansa Pho-ong ng Thailand at Li Lui ng China.
Tampok din ang laban nina Aston Palicte at Renz Rosia para sa 118-lb division.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.