Hiling ni Joem kay Duterte: Sana lumambot ang puso niya…
AMINADO ang ilang Kapamilya stars na nag-aalala rin sila sa issue ng franchise renewal ng ABS-CBN.
Nakatakda nang mag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN sa March 30, 2020 at nagsalita na kamakailan si Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ang anumang panukalang-batas na magpapalawig sa franchise ng network.
Sa panayam ng entertainment media kay Joem sa presscon ng MMFF 2019 entry na “Write About Love” mula sa TBA Studios, natanong ang binata tungkol dito, aniya, “We’re just hopeful. Alam mo, maging lahat kami, parang unified when it comes to the franchise na mai-extend. Na ma-sign-an yung franchise.”
“We’re talking it calmly. Siyempre, kapag makita namin na na-rattle ang mga higher ups namin, siyempre magugulo na din kami. Pero with this one, were following every rule,” aniya pa. Ipinagdarasal din niya na sana’y lumambot ang puso ni Duterte tungkol sa nasabing issue.
“We’re following everything para mapagbigyan ng Pangulo natin, na lumambot ang puso niya na ma-extend.”
“More than doon sa amin, ang mas mahalaga rito yung mga empleyado, mga employees itself. Na siyempre, mas mahirap sa kanila na maghanap pa ulit ng work. Yun, we’re hopeful na ma-sign yung franchise,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.