Yam, Joseph nailang, natawa habang kinukunan ang sex scene | Bandera

Yam, Joseph nailang, natawa habang kinukunan ang sex scene

- December 19, 2019 - 12:01 AM

PAREHONG nailang sina Yam Concepcion at Joseph Marco habang ginagawa ang mga love scene nila sa bagong iWant original series na “Uncoupling”.

Ito ang unang pagkakataon na magsasama sa isang project ang dalawang Kapamilya stars at kahit na nga sanay na sanay na sila sa paggawa ng sex scenes, na-awkward pa rin sila sa mga ginawa nila sa “Uncoupling” na iikot sa kuwento ng nagkahiwalay na mag-asawa pero kailangang tumira pa rin together sa isang bubong para sa kanilang anak.

“Si Joseph naman, very gentleman naman siya, hindi naman siya ‘yung nambabastos. It was well executed naman and of course babae ‘yung direktor namin so parang we were taken care of,” kuwento ni Yam nang matanong tungkol sa intimate scenes nila ng hunk aktor pagkatapos ng ginanap na special screening ng serye.

Pero sey ng aktres dahil sa pagiging gentleman ni Joseph kaya nahirapan siyang gawin ang maiinit nilang eksena, “Actually, yung love scene na ‘yun hirap na hirap ako, ‘di ba ang dami ko naman nagawang love scene pero with this one, hindi ko alam medyo naiilang ako na parang natatawa for some reason, hindi naman sa hindi ko sinerseryoso pero parang ang weird!”

Bukod dito, sobrang ingat din daw ng kanilang direktor na si Dwein Baltazar sa mga nasabing eksena, “Kasi ‘yung camera andiyan tapos ‘yung expression nang mukha mo nandiyan, ‘you know parang eto na siya, talaga ba makikita nila kung paano ako?’ At siya rin (Joseph) so parang awkward talaga, pero okay naman siya noong nakita ko and napanood ko.”

Kung minsan ay nawawala rin daw sa focus si Joseph habang kinukunan ang love scene nila ni Yam sa “Uncoupling”, “May mga time na nawawala ako sa scene then nare-realize ko na ‘am i showing too much?’ kasi siyempre, ‘yun ka eh, so you want to look natural at it is. So parang mixed feeling na parang hindi mo alam kung ano ang mapi-feel mo and maya-maya maiilang ka na parang ang dami palang tao pero konti lang pala tas’ bigla ka nalang maco-conscious ka.”

Pwede nang mapanood ng libre ang “Uncoupling” sa iWant simula sa Dec. 20 mula sa Big Reveal Entertainment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending