Joshua umamin: Ewan ko, nahihiya ako kay Julia…
NAHIYA pala si Joshua Garcia kay Julia Barretto kaya hindi niya ito masyadong nakausap lately.
“Last ko talaga siyang nakausap noong birthday ko, eh. Ah, noong taping ng station ID ng Dos. Nakita ko siya, ewan ko, nahihiya ako. Na-shy ako,” say ni Joshua sa thanksgiving presscon ng The Killer Bride.
“Friends kami, actually. Sa ngayon, hindi ko po alam ang mga projects na gagawin niya. Pero kung anuman ‘yun ay happy ako kasi back to work na uli siya,” he said.
Nakatulong ba na loveless siya now? “Mas nakita ko na mas malinaw ang mundo ngayon, mas lumuwag, mas open ako sa lahat.
“Sa work ko, the way ako mag-isip, parang hindi ko kayang pagsabayin ang dalawa kasi hindi ko kayang i-handle ang oras ko kasi lagi akong tulog,” he added.
Happy si Joshua dahil maraming fans ang tanggap ang team up niya with Janella Salvador sa The Killer Bride, “Oo, grabe, nababasa ko nga ang mga tweets nila. Nakaka-happy ang nga reaction nila. Nasasaktan sila kapag nasasaktan ang mga characters namin ni Janella.”
Ano ang bonding moments niya with Janella? “Kain, puro kain,” sagot ng aktor.
“Eh, bakit ang payat pa rin niya? “‘Yun nga ang hindi ko rin alam, eh. Recently, nagkakanin na rin ako ngayon. Siguro dahil sa puyat.”
For now, okay na muna na wala siyang lovelife as, “sapat na po sa akin ang pamilya ko sa ngayon. One hundred percent naman akong inspired sa kanila.”
Samantala, mas marami pang karumal-dumal at kontrobersyal na krimen sa Las Espadas ang mauungkat dahil napapanood na ngayon ang extended version ng serye na “The Killer Bride: Killer Cuts” sa iWant.
Matutunghayan sa “The Killer Bride: Killer Cuts” ang unrated at uncensored na mga eksena ng primetime serye na magbubunyag sa mga sekretong pilit gumugulo sa isipan ng mga manonood at magdadala sa kanila sa malagim na huling sandali ng mga karakter sa serye.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.