Horoscope, December 17, 2019 | Bandera

Horoscope, December 17, 2019

Madam Sophia - December 17, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Gaano man karaming salapi ang natatangap, dapat may katapat na pasasalamat. Kapag laging nagpapasalamat madodoble ang pera. Sa lovelife, pasalamatan ang kasuyo dahil sa kabila ng marami kang pagkukulang hindi ka nya iniiwan. Markahan ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48 ang buenas. Yellow at blue ang buenas. Swerte sa initial na L. at M.
Aries – (Marso 21-April 19)– Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan dagdag na unawa ang dapat. Unawain lagi ang mga kausap, sa bandang huli sila din ang magbibigay sa iyo ng malaking halaga. Sa lovelife,, kapag hindi inunawa ang kasuyo, magtatalo na naman kayo at muling magkaka-galit. Markahan ang 1, 10, 28, 34, 36, at 43. Red at pink ang buenas. Swerte sa initial na G. at C.
Taurus – (April 20-May 20)– Isang Virgo ang tutulong upang masimulan ang negosyong matagal ng binabalak. Sa lovelife, isang katabi mong naka-kulay puti, ang may lihim sa’yong pagnanasa – mag-ingat! Markahan ang 7, 16, 22, 34, 43, at 49. Green at blue ang buenas. Swerte sa initial na R. at A
Gemini – (May 21-June 21)– Sa panahon itong nagsisimula na ang Simbang Gabi, magsisimula na ring dumating ang ibat-ibang suwerte sa iyong karanasan. Samantala sa lovelife, ikaw na ang magsimula upang uminit pa ng husto ang romansa at pagmamahalan. Markahan ang 5, 14, 23, 32, 41, at 45. Red at beige ang buenas. Swerte sa initial na M. at R.
Cancer – (June 22- July 22)– Ang kaligayahan ngayon ay nakasalalay sa kasalukuyan. Hindi mo na dapat pang balikan ang malungkot na nakaraan. Magsaya ka ngayon, at makikita mo kasabay nito darating ang buenas at magaganadang kapalaran. Markahan ang 6, 15, 21, 36, 42 at 48. Blue at silver ang buenas. Swerte sa initial na L. at S.
Leo – (July 23 – August 22)– Laging magpakatotoo upang higit na lumigaya at magtagumpay sa career at sa aspetong pananalapi. Sa lovelife, hindi matatapos ang buwan ng Disyembre, may isang sopresa at nakababaliw na romansang mararanasan. Markahan ng 3, 18, 27, 33, 37 at 46. Red at lilac ang buenas. Swerte sa initial na W. at D.
Virgo – (August 23 – September 22)– Hindi ka mauubusan ng salapi, pero hindi naman dapat na lustayin na lahat sa Holiday Season na darating ng iyong salapi. Magtabi para sa Bagong Taon at para sa Araw ng mg Puso. Sa lovelife, “stick to one” ang dapat upang habang buhay kang lumigaya. Markahan ang 1, 8, 19, 26, 35, at 44. Silver at golden yellow ang buenas. Swerte sa initial na J. at K.
Libra – (September 23-October 23)-– Kahit anong problema ang dumating, isang kaibigang Virgo ang maaasahan. Sa pinansiyal, isang Pisces naman ang maaaring mautangan! Sa lovelife, bagamat okey ang isang Aries, mas higit kang kikiligin sa isang Aquarius. Markahan ang 3, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Goh-Palah-Goh.” Green at red ang buenas. Swerte sa initial na A. at R.
Scorpio – (October 24 – November 21) –-Malayo pa ang pasko unti-unti ng nauubos ang pera! Bago tuluyang masimot ang laman ng bulsa, matutong magtipid. Sa lovelife, lalong malulungkot ang kasuyo – kapag tuluyan na kayong naubusan ng pera. Markahan ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Violet at blue ang buenas. Swerte sa initial na P. at O.
Sagittarius – (November 22 – December 21)–Bigyan ng “deadline” ang sarili upang magkaroon ng direksyon ang ginagawa. Unahing tapusin agad ang mga bagay na pagkakaperahan. Sa lovelife, ipaunawa sa kasuyo na kailangan nyo ng yumaman. Markahan ang 2, 16, 25, 34, 41, at 46. White at green ang buenas. Swerte sa initial na D. at C.
Capricorn – (December 22 – January 19)– Upang huwag maubos ang salapi, sumunod sa mungkahi ng kasuyong kuripot. Unti-unti lang ang pag-gastos ngayong Holiday Season. Sa lovelife, habang lumalapit ang kapaskuhan, lalo namang iinit ang pagmamahalan. Markahan ang 3, 15, 24, 33, 42 at 48. Lilac at green ang buenas. Swerte sa initial na M. at A.
Aquarius – (January 20 – February 18)– Huwag makibarkada sa mga taong walang kuwenta! Makipagkaibigan sa mga taong mayayaman at may mga sinasabi. Sa kanila maraming suwerte at magandang kapalarang makukuha. Markahan ang 4, 18, 27, 36, 40 at 46. Magenta at yellow ang buenas. Swerte sa initial na L. at P.
Pisces – (February 19 – March 20)– Hindi magtatagumpay sa sandaling kung ano-ano ang laman ng isipan! Konsentrasyon sa iisang larangan lang ang dapat. Pagkonsentretan mo ang negosyo at ang pagkakaperahan. Sa lovelife, ipagpatuloy ang pagiging tapat sa kasuyong hindi gaaanong malambing. Markahan ang 7, 18, 23, 28, 32, at 44. Green at orange ang buenas. Swerte sa initial na D. at I.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending