Bakit na-in love nang bonggang-bongga si Derek kay Andrea? | Bandera

Bakit na-in love nang bonggang-bongga si Derek kay Andrea?

Cristy Fermin - December 14, 2019 - 12:29 AM

ANDREA TORRES AT DEREK RAMSAY

Kuwento ng aming kaibigan na malapit din sa pamilya ng sexy actress na si Andrea Torres ay nakatakda sana siyang umalis papuntang Amerika para makasama ang kanyang mga pinsan na sabik na sa kanya pero hindi ‘yun matutuloy.

Sabi ng aming kausap, “Naku, cancelled ang pagpunta dapat sa States ni Andeng. May plano pa naman silang magpipinsan na mag-Europe, pero hindi na ‘yun matutuloy.

“Hindi na yata mabaklas si Andeng sa tabi ni Derek (Ramsay), inseparables na sila, malalim na ang relasyon nila,” natatawang komento ng aming kaibigan.

Dinisenyo sina Derek at Andrea para sa isa’t isa. Sa halos lahat ng bagay ay nagkakasundo sila. Pareho silang matalino, mahilig sa adventure, nagtutugma ang kanilang wavelength. Aminado si Derek na si Andeng na ang gusto nitong makasama habambuhay, ganu’n din ang dasal ng dalaga, sana’y si Derek na nga ang sagot sa kanyang mga dasal.

Dagdag pa ng aming kaibigan, “Mai-in-love talaga si Derek kay Andeng. Napakasimpleng babae kasi niya. Marespeto siya sa parents niya, mapagmahal na anak at kapatid, ‘yun naman talaga ang mga katangiang hinahanap ng lalaki sa gusto nilang pakasalan.”

Naniniwala ang marami na sa altar na nga ang tuloy ng relasyon ngayon nina Derek at Andrea. Whirlwind romance na maituturing pero wala naman kasi ‘yan sa igsi at haba ng panahon ng isang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending