Promise ni Miguel: Mas pagbubutihin ko pa ang trabaho ko
Siyempre, feeling nasa Cloud 9 ngayon ang Kapuso young actor na si Miguel Tanfelix matapos mabigyan ng spot sa GMA 7 Walk of Fame. Sa ginanap na mediacon para sa nasabing event, nagpasalamat siya sa lahat ng bossing ng network at sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kanya.
“Sobrang nagpapasalamat po ako sa GMA kasi since five years old nandito na po ako. So, ang dami na po naming pinagdaanan together. Kaya ang sarap po sa feeling na finally, mayroon na po akong star sa Walk of Fame,” sey ng binata.
Dagdag pa niya, “Hindi lang siya basta award, kumbaga responsibility din siya to do better and maging good example sa next batch ng mga celebrities. At magsisilbi itong paalala sa aming lahat na sa bawat trabaho na ibinibigay sa amin dapat laging 100 percent ang ibibigay namin bilang sukli o pagpapahalaga sa tiwala ng network sa amin.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.