NASAMSAM ng mga otoridad ang mahigit P6.17 milyon halaga ng marijuana sa bundok na nasa pagitan ng Kibungan, Benguet, at Sugpon, Ilocos Sur.
Isinagawa ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit, iba pang police unit, at Philippine Drug Enforcement Agency ang operasyon sa Mt. Bila mula Linggo hanggang Lunes, ayon sa ulat ng Ilocos regional police.
Nang marating ang hangganan ng Brgy. Takadang, Kibungan, at Brgy. Danac, Sugpon, nitong Lunes, natagpuan ng mga operatiba ang pitong plantasyon ng marijuana na may kabuuang sukat na 3,580 square meters.
Nasamsam sa mga taniman ang 22,560 fully-grown marijuana, 13 kilo ng pinatuyong marijuana, at nasa 1,000 seedlings, ayon sa ulat.
Sinunog ang karamihan sa mga nasamsam, habang ang ilan ay dinala sa tanggapan ng PDEA Regional Office 1 para sa pagsusuri.
Walang natagpuan na owner o cultivator ng marijuana plantation sa kabila ng ilang araw nang pagmamanman sa lugar bago pa sumalakay ang mga operatiba, ayon sa pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.