Resbak ng abogado ni CLAUDINE kay RAYMART: Nakakatawa siya! | Bandera

Resbak ng abogado ni CLAUDINE kay RAYMART: Nakakatawa siya!

Ambet Nabus - August 01, 2013 - 03:00 AM


HINDI naman marahil ill-advised si Claudine Barretto sa kanyang naging desisyon na humingi ng Temporary Protection Order laban sa asawa nitong si Raymart Santiago.

Marami pa rin ang nagulat sa naturang aksyon ng aktres noong Lunes ng hapon nang tunguhin nito ang Marikina City Regional Trial Court  para nga sa kanyang TPO petition.

Ang naturang TPO ay hiniling ni Claudine alinsunod sa Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004) para sa ikabubuti niya at ng dalawang anak nito na sina Sabina at Santino.

Matatandaang ilang beses ding nag-post ang aktres ng mga litrato sa kanyang social media account na nagpapakita ng mga pasa sa katawan na iniuugnay nga ngayon bilang epekto ng pananakit umano ni Raymart.

Noong makapanayam namin si direk Randy Santiago sa presscon ng “Raketeros”, pinabulaanan niya ang alegasyon at sinabi pang wala sa karakter ng kapatid ang manakit ng babae, lalo pa ng kanyang asawa.

Pero ayon sa nabasa naming report, namumugto pa umano ang mga mata ni Claudine nang lumabas ito sa Marikina court dahil halos nag-break-down nga ito.

Ngunit tumanggi naman ang aktres na magbigay ng pahayag kaugnay sa inihain na reklamo. Ang kontrobersyal naming kaibigan-kumpare na si Atty. Ferdinand Topacio, ang abogado ni Claudine, at naikuwento nitong hindi na raw matiis ng aktres ang kanyang pinagdadaanan.

Sinabi pa ni Atty. Topacio hindi niya matatawag na umaarte o nagdadrama lang ang kanyang kliyente sa pinagdaraanan nito.
Nagsalita na rin si Raymart tungkol dito at idinenay lahat ng alegason ni Claudine, lalabas din daw kung ano ang totoo at lalabanan niya ang asawa sa husgado.

Idinagdag pa ni Raymart na may mga hawak siyang ebidensiya na magpapatunay na gawa-gawa lang ng dating asawa ang mga akusasyon sa kanya.

Sinagot naman ito agad ng kampo ni Claudine at sinabing “very funny” ang naging pahayag ni Raymart tungkol sa issue, “The deceptions by Mr. Santiago may even constitute criminal offenses,” sabi pa ni Atty. Topacio.

( Phot credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending