outbrain

Shaina ayaw nang ituloy ang pagmamadre: Hindi pa ako sumusuko sa love!

By Ervin Santiago December 08,2019
share this

Shaina ayaw nang ituloy ang pagmamadre: Hindi pa ako sumusuko sa love!

By Ervin Santiago December 08,2019
share this

WALA pa ring dyowa ang Kapamilya actress na si Shaina Magdayao. Ilang taon na ring loveless ang dalaga after ng break-up nila ni John Lloyd Cruz noong 2012.

May mga tsismis sa kanila ni Piolo Pascual pero mukhang wala naman itong katotohanan dahil ilang beses na niyang sinabi na special friends lang sila ni Papa P.

Sa mediacon ng bago niyang weekly series na The Haunted sa ABS-CBN ay sinabi ni Shaina na hindi pa naman niya sinusukuan ang love, “Never ko tinalikuran ‘yung fact na puwede pa ako ulit umibig. Pinahinga ko lang ang puso ko. And at the same time, maraming trabaho na pumasok.

“But other than that, hindi ko naman siya tinataguan, hindi ko rin siya hinihindian. Hindi lang siya dumadating pa. And kung dumating naman, sasabihin ko naman,” aniya.

Nilinaw din niya ang balita noon na gusto na lang niyang magmadre dahil hanggang ngayon ay single pa rin siya, “It’s just that I had a calling of service and I still do. And na-associate ko lang ‘yun sa pagma-madre – ‘yung calling of service, which is being selfless. Kaya akala ko, pagmamadre.

“But now that I have a foundation, ‘yun ‘yung nagiging sagot sa akin na hindi ko naman kailangang pumasok ng kumbento for me to be able to help people.

“And at the same time, one of my dear bosses told me na ‘Shaina, hindi lang pagma-madre ang service. I mean, you can also serve in this business as an actress.’

“So, ‘yun po, niyakap ko ‘yun nang buong-buo and I think, the years na pabalik-balik, na pumupunta ako sa Italy and thinking na baka nga magmamadre ako, I think, that experience kasi, utang na loob ko ‘yun.

“I mean, I am who I am and my integrity is like this and the way I see life is like this is because of that experience.

“But it was never because I was closing my doors pagdating sa pagmamahal and sa pamilya. Medyo mabagal lang siguro, na-traffic. Binagyo siguro, kaya medyo matagal pa ang pagpasok niya. But I also wanna be very sure rin kasi na kapag siya na, siya na talaga and sasabihin ko sa inyong lahat kapag dumating na,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending