outbrain

Meryll nag-sorry kay John Lloyd: Pero hindi ako nagi-guilty sa nangyari…

By Ervin Santiago December 08,2019
share this

Meryll nag-sorry kay John Lloyd: Pero hindi ako nagi-guilty sa nangyari…

By Ervin Santiago December 08,2019
share this

JOHN LLOYD CRUZ

NAG-SORRY si Meryll Soriano kay John Lloyd Cruz matapos pag-usapan ang kontrobersyal na guest appearance nito sa 2019 Metro Manila Film Festival “Culion”.

Sa nakaraang presscon ng pelikula, sinabi ni Meryll na napakahalaga ng role ni Lloydie sa karakter niya sa kuwento, “From the very beginning, napaka-paramount kasi nu’ng role ni John Lloyd sa character ko. It was a friendly request. Masaya kami na pumayag din siya. It’s just one scene. Sobrang ikli lang.

“But sobra siyang essential du’n sa character ko na si Ditas. Maiintindihan ng lahat kung bakit ganu’n yung chatacter niya. He’s somebody from the past ni Ditas na iniwanan niya,” pahayag ng aktres.

“It’s such a great relief na siya yung gumawa ng eksenang yun because I miss him. Kasama ko siya sa Honor Thy Father, kaibigan ko siya. So, nasiyahan ako na pumayag siya,” aniya pa.

Kung matatandaan, naglabas ng sama ng loob si John Lloyd nang maglabasan ang balita na magsisilbing comeback movie niya ang “Culion” dahil napakaikli nga lang ng kanyang eksena sa pelikula.

“We have to respect how he feels. Hindi natin alam kung ano usapan nila but we have to respect how he feels kung yun ang nararamdaman niya and siguro on behalf of the whole production and the whole film I would like to apologize kung nasaktan siya doon sa nangyari and hindi yung intentional,” paghingi ng paumanhin ni Meryll.

Hirit pa niya, “Talagang excited lang lahat na ipakita na kasama siya sa film di ba? Siguro nagkaroon lang ng miscommunication. Nag-reachout ako pero hindi ganu’n ang mga pinag-usapan, yung chikahan namin kung kailan siya uuwi, like going back to being friends. Pero you know hindi namin napag-usapan ito kasi work din siya eh.”

Hindi naman daw nagi-guilty si Meryll sa na-feel ni JLC bilang isa sa lead star ng “Culion”, “Wala naman kaming problema. Kasi nagtsitsikahan kami kailan bibisita. Meron kaming mga projects na iniisip na gawin. So okay kami definitely. I don’t think I should feel guilty.

“It was a request. He granted it. I mean everybody was excited to work with him. So bakit ako magi-guilty? Nagkausap kami pero between us na lang siguro yun bilang magkaibigan. Hindi na yun dapat ilabas kung ano man yun. Kasi siyempre gusto ko rin ma-hear yung side niya pero amin na lang siguro yun,” paliwanag ni Meryll.

*

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending