outbrain

Jake nagsisi sa pagrampa nang naka-supporter lang

By Alex Brosas December 08,2019
share this

Jake nagsisi sa pagrampa nang naka-supporter lang

By Alex Brosas December 08,2019
share this

JAKE CUENCA

Maganda ang mantra ni Jake Cuenca sa buhay. Para sa kanya, kung tapos na ang isang bagay ay tapos  na.

“I try to live a life with no regret.  Pero kung meron man akong pinagsisihan na puwede kong baguhin, siguro ‘yung panahon na may ginawa akong fashion show na malaking-malaki na naka-supporter lang at mataba ako nu’ng time na ‘yun.

“If I had the chance, sana binabaan ko nang konti ang confidence ko. Sana nagsuot ako ng konting damit sa fashion show,” kuwento ni Jake sa presscon ng The Haunted na magsisimula na ngayong araw sa ABS-CBN.

Hindi takot si Jake sa kanyang past.

“Kapag tapos na, tapos na.  kumbaga ako, one day at a time. Kung ano lang ang kailangan kong gawin at that time, doon lang ako naka-focus. There is no point in looking back. Wala nang nagho-haunt sa akin s apast ko. Kapag tapos na, tapos na,” he said.            

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending