Break-up ng showbiz couple fake news; magkasundo sa pagiging wais sa pera | Bandera

Break-up ng showbiz couple fake news; magkasundo sa pagiging wais sa pera

Cristy Fermin |December 05,2019
facebook
share this

Break-up ng showbiz couple fake news; magkasundo sa pagiging wais sa pera

Cristy Fermin - December 05, 2019 - 12:52 AM

WALANG katotohanan ang chikang umiikot na hiwalay na ang isang pamosong showbiz couple. Matatag na matatag pa rin ang kanilang relasyon.

Walang dahilan para sila maghiwalay dahil malalim pa rin ang kanilang pagmamahalan at ang pinakamahalaga ay maraming-marami silang pinagkakasunduan.

Hindi kayang sirain ng mga intriga lang ang kanilang relasyon, matindi ang tiwala nila sa isa’t isa, puputi ang kanilang buhok na silang dalawa pa rin ang magkasama sa isang bubong.

Kuwento ng aming source, “Imposibleng mangyari ‘yun, fake news ang lumabas na hiwalay na raw sila! Hindi puwedeng mangyari ‘yun dahil hanggang ngayon, e, parang mga bagong kasal pa rin ang turingan nila!

“Saksi du’n ang mga anak nila, talagang ideal ang relasyon nila, kaya paano mo naman mapaghihiwalay ang mag-asawang ganu’n?

“Magandang magdala ng pamilya ang male personality, submissive naman ang girl, nagbibigayan sila. Hindi sila nag-aaway, boring na nga raw yata ang pagsasama nila, e!” natatawang depensa sa mag-asawa ng aming impormante.

Pero may isang kuwentong totoong-totoo, parehong magaling humawak ng pananalapi ang mag-asawang ito, yayaman talaga sila nang husto.

Kuwento uli ng aming source, “Ang male personality ang mas concerned sa future nilang mag-anak, may isang malaking libro siya, du’n nakalista ang mga pumapasok at lumalabas nilang pera.

“Puwede siyang makalimot sa pagkain, pero hindi lilipas ang araw nang hindi niya binubuksan ang librong ‘yun para makita niya kung saan-saan napupunta ang inilalabas nilang pera.

“Du’n sila magkasundo ng wife niya na marunong din sa buhay. Wala siyang sinasayang na pagkain, marunong siyang mag-recycle. Walang nabubulok na karne o gulay sa bahay nila, alam ng girl kung paano ‘yun pakikinabangan!

“Magaling siyang mag-budget, hindi rin nila sinanay sa luho ang mga anak nila kahit pa kumikita na dahil sa mga ginagawa nilang commercials.

“Nadisiplina nila nang maayos ang kanilang mga anak, hindi sila hingi nang hingi at pabili nang pabili ng kung ano ang uso sa mga bagets!

“Kahit maputi na ang buhok ng mag-asawang ‘yun, e, sila pa rin ang magkasama. Parang naging totoo sa kanila ang marriage made in heaven, dahil sa pagmamahalan nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pinuno ng guy ang pagmamahal na ipinagdamot nu’n sa girl, dahil ang una niyang nakarelasyon, e, kaagawan niya pala sa hair brush at sa gown!” pagtatapos ng aming source.

Naku naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bigay na bigay na kung sinu-sino sila, wala nang karagdagang clue!
* * *

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending