Young actress inireklamo ng alalay, tinawag daw na magnanakaw | Bandera

Young actress inireklamo ng alalay, tinawag daw na magnanakaw

Alex Brosas |December 05,2019
facebook
share this

Young actress inireklamo ng alalay, tinawag daw na magnanakaw

Alex Brosas - December 05, 2019 - 12:46 AM

Nagmakaawa at nag-iiyak pala ang isang young female celebrity kay Raffy Tulfo.

Hindi na pinangalanan ni Raffy ang female celebrity dahil na rin sa pakiusap nito pero ininterbyu niya ang female production assistant nito on air.

Nagkuwento ang PA kung paano siyang ginawang mala-kasambahay sa house ng female actress. Ikinaloka namin ang chika niyang ipinaglaba niya ang aktres ng 50 nitong sapatos. Maging si Raffy ay naloka sa chikang iyon ng PA.

Parang pinalalabas ng PA na katulong ang turing sa kanya ng aktres. Stay-in siya at kailangan siyang gumalaw sa bahay which is okay naman sa kanya.

Kaya lang, ang feeling ng PA ay sobra na ang aktres at ang pamilya nito. Ikinuwento nito na nasa call center ang kapatid na lalaki ng aktres. Kapag may inuman sila ng barkada sa bahay ay siya ang nagliligpit at naghuhugas ng mga pinagkainan nito.

Later, pinag-usap sila ni Raffy through cellphone. Tinawag ni Raffy at ng PA na Manika ang aktres.

“Napikon lang ako kasi dinamay mo ang nanay ko. Sinabi mo walang mawawala sa ‘yo, sa akin walang mawawala porke artista ako,” say ng aktres.

Tinanong ni Raffy kung true na pinagbintangan niyang magnanakaw ang PA.

“Hindi ko po kinalat. May kinausap po ako na alam kong gigitna sa aming dalawa. May screenshot po, papakita na lang po. Hindi po ako nagsabing magnanakaw siya. Ang sinabi ko po ay may nawawala akong mga gamit. Hindi ko po siya pinost or anything. Hindi ko ipinangalandakan na ganoon ‘yung nangyari,” sabi ng aktres.

When asked kung totoo na tamad ang kapatid niyang lalaki, itinanggi ito ng aktres, “Hindi naman po, Sir. Kumikilos naman po. Laki kami sa hirap, Sir. Wala po kaming mga katulong. Marunong kami sa bahay. Kahit ako naglalaba minsan.”

Later on, nag-sorry na ang aktres at nag-promise na makukuha na nito ang karadagang suweldo.

May mga nag-react namang netizens.

“PA siya hindi housemaid, magkaiba yun. kaya yung nagsasabing OA cge nga try nyong mag PA maglaba pa maglampaso tas halos lahat na gawain sa inyo iasa. tas ang sahod 7k lang. Tingnan natin kung d rin ba kayo magrereklamo.
“Ang sablay lang niya doon ay ipina Tulfo agad, pwde naman kasing maging prangka siya at sabihin ang lahat ng hinaing niya kay manika girl at doon sa pamilya nya,” said one netizen.

“Puro na lang Tulfo my gad! Dun ka magreklamo kay Quiboloy mas makapangyarihan DAW yon.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Papansin lang ang tomboy na yan ang OA gusto yata nyang i-baby sya ni Manika girl. Hindi din ako fan pero imbis na magalit ako sa pinagsasabi ng tomboy na ito sa kanya mas naawa ako sa kanya konting problema lang ipina-tulfo na siya ng babaeng yan.”

“Pasikat lang yan. ikaw ang kawawa ngayon kung may tatanggap pa sa yo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending