Overtime ayaw bayaran ng kumpanya | Bandera

Overtime ayaw bayaran ng kumpanya

Liza Soriano - December 04, 2019 - 12:58 AM
GOOD pm po.
May karapatan po ba ako na singilin ang employer ko dahil sa hindi nila binabayaran ang overtime ko at hindi klaro ang isanasaad ng payslip namin?
Going three months na po ako sa company namin. I was hired noong August 5 as field support technician at may pinirmahan po akong contract sa company.
Ang problem ko po ay mula noong nag-start ako sa work ko, ‘yung first at second day lang ang binayaran sa overtime ko. Mula po August 26 until now ay hindi pa po nagbabayad ng overtime ang company namin.
Ang nature ng work namin ay nagre-repair ng internet broadband at ang pasok namin is 7 a.m. and 4 p.m. lang po, pero kadalasan na uwi namin is maaga na po ‘yung 7 p.m. o 8 p.m. Kailangan daw kasi naming matapos ang mga job order na ibinibigay nila sa amin daily.
Kinausap ko na po ang manager at technical manager namin pero nagbibingi-bingihan lang po sila. Pati po ang HR namin natanong ko na pero itinuro lang po ako dun sa dalawang manager dahil sila raw po ang naga-approve ng overtime namin.
Actually, lahat po nang na-file namin is detalyado kasi online-based po ang timekeeping namin kaya lang po hindi inaaprubahan ng technical manager namin.
Ano po ba ang dapat kong gawin? Sana po matulungan n’yo kami.
Salamat po.

Maraming salamat po aa pagtangklik sa aming pahayagan at pagsangguni ng inyong hinaing sa Aksyon Line.
Ipinarating na po namin sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang inyong hinaing at agad na ipababatid ang kanilang kasagutan.
Salamat po.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending