HABANG humahagupit ang bagyong Tisoy, isang low pressure area ang binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Posibleng sa Biyernes umano pumasok ang LPA na nasa layong 2,000 kilometro sa silangan ng Mindanao. Pero mababa umano ang tyansa na ito ay maging bagyo.
Ang bagyong Tisoy naman ay inaasahang lalabas ng PAR sa Huwebes ng umaga kaya inaasahan ang pagganda ng panahon ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending