Maine, Arjo nagpakaligaya sa California, nag-celebrate ng 1st anniversary?

By Jun Nardo December 04,2019
share this

Maine, Arjo nagpakaligaya sa California, nag-celebrate ng 1st anniversary?

By Jun Nardo December 04,2019
share this

 

IBINANDERA ni Maine Mendoza sa kanyang Instagram account kung saan siya nagbabakasyon ngayon – sa California.

Base sa kanyang IG photo, nagpapakaligaya ngayon ang TV host-actress sa Disney California Adventure Park. “On Mondays I wear pink,” ang maikling caption na inilagay niya sa litrato.

Ang hinala ng followers ng Phenomenal Star, kasama niya roon ang rumored boyfie na si Arjo Atayde. Pero nakumpirma nga ito base sa ilang photos na naglabasan sa social media – spotted ang dalawa sa isang lugar sa California na naggo-grocery, huh!

View this post on Instagram

on mondays i wear pink

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

View this post on Instagram

Distracted. She cute 😍

A post shared by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde) on

May hinala kaming umalis ng bansa ang dalawa kamakailan dahil pareho silang walang masyadong trabaho ngayon. Sa Twitter nu’ng isang araw, nagtatanungan ang fans ni Maine kung anong tawag sa airport na binabaan nila sa Los Angeles, California.

Nang tanungin namin sa isang malapit kay Maine kung nasa abroad ang dalaga, tikom ang bibig nito. At nang masilip namin ang nakaraang episode ng Ea Bulaga, absent si Meng.

Napaisip tuloy kami dahil last year, nagsama sa festival entry sina Maine at Arjo na pinagbidahan nila nina Vic Sotto at Coco Martin. After ng showing ng movie, naging constant na ang pagde-date nila.

Sa pagpunta nilang dalawa sa LA, marami ang nagsasabing baka raw nag-celebrate sila doon ng kanilang unang anibersaryo bilang couple. Ang bilis talaga ng panahon, imagine naka-one year na pala sila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending