Ina ni Boy pumanaw na: Hindi ko alam kung paano mabuhay nang wala siya... | Bandera

Ina ni Boy pumanaw na: Hindi ko alam kung paano mabuhay nang wala siya…

Ervin Santiago - December 03, 2019 - 04:19 PM

KAYAKAP ng award-winning TV host na si Boy Abunda ang kanyang inang si Licerna Capito Romerica Abunda o Nanay Lesing hanggang sa pumanaw ito nitong Linggo, Dec. 1. Siya ay 90 taong gulang.

Turning 91 na sana si Nanay Lesing sa kanyang kaarawan sa Jan. 1, 2020 pero hindi na nga siya umabot dahil na rin sa “complications due to pneumonia”.

Sa pamamagitan ng Facebook, ipinaabot ng kampo ni Boy at ng kapatid nitong si Maria Fe Abunda, na isang kongresista mula sa Eastern Samar ang pagluluksa ng kanilang pamilya.

Naging guro ang ina ng King of Talk at naging konsehal din ng Borongan (tatlong termino) mula 1995 hanggang 2004. Naging Vice-Mayor din siya.

“Malungkot na ipinapabatid ng magkapatid na BOY at MARIA FE, kasama ng kanilang buong pamilya, na ang ina nilang si LICERNA CAPITA ROMERICA ABUNDA, ay pumanaw na noong December 1 ng kasalukuyang taon.

“Si Mother Lesing ay nagsilbi sa gobyerno bilang isang guro, First Councilor ng bayan ng Borongan ng tatlong termino mula 1995 hanggang 2004, at Vice Mayor mula 2004 hanggang 2007,” ang bahagi ng mensahe mula sa pamilya Abunda.

Nakaburol ngayon ang labi ni Nanay Lesing sa Arlington Memorial Chapels sa Quezon City.

Ayon sa ulat, 67 araw na nakaratay sa ospital ang ina ni Tito Boy at halos araw-araw ay nakabantay ang TV host sa kanyang ina. Nabatid na hanggang pumanaw si Nanay Lesing ay nakayakap pa rin sa kanya ang anak.

Bukas (Dec. 4) ang huling gabi ng lamay pero magte-taping pa rin si Tito Boy ng dalawang episode para sa TWBA bukas.

Sa isang episode ng kanyang programang The Bottomline last October, sinabi ng TV host na ang kanyang ina ang sentro ng kanyang buhay, “She’s the center of my life and I hope she’s not suffering. ‘Yun lang naman ang gusto ko sa nanay. She’s turning 91 in January, huwag lang masaktan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I am grateful in both joy and pain. Grateful because kahit nasasaktan ako, I’m being given the chance by God to be the best mother to my mother and I’m being able to say thank you to her.

“I will be honest, I don’t know how I’m going to live my life without the presence of my mother. Pero katulad ng maraming sugal sa buhay ko, susuungin ko, because that’s the only way,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending