SEA Games: Ika-2 ginto nasungkit ni Agatha Wong

By Melvin Sarangay December 03,2019
share this

SEA Games: Ika-2 ginto nasungkit ni Agatha Wong

By Melvin Sarangay December 03,2019
share this

NAKUHA ni Philippine wushu bet Agatha Wong ang kanyang ikalawang gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games matapos magwagi sa women’s final ng taolu taijijian competition na ginanap sa Hall A ng World Trade Center Martes ng umaga.

Umiskor siya ng 9.65 para maungusan ang bet ng Vietnam na si Thi Mihn Huyen na nabigyan lamang ng 9.63 puntos.

Nakuha naman ng Brunei ang ikatlong pwesto na may puntos na 9.62.

Ang unang ginto ni Wong ay sa taolu taijiquan na kanyang nabinggit nitong nakaraang Linggo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending