Teri Onor nagpatayo ng foundation para sa stand-up comedians | Bandera

Teri Onor nagpatayo ng foundation para sa stand-up comedians

Cristy Fermin - December 03, 2019 - 12:28 AM

Nagdiwang ng kaarawan nu’ng Linggo nang gabi si Teri Onor, magaling na stand-up comedian na naging Bokal sa kanilang distrito sa Bataan, natural lang na nakipagsaya sa kanyang selebrasyon ang mga kapwa niya komedyante.

Dapat sana’y siya ang nakaupong mayor ngayon sa Abucay, pero nagbigay-daan siya sa kandidatura ng kanyang lola, marami pa nga namang panahong nakalaan para sa kanya sa mundo ng pulitika.

May itinayong foundation si Teri Onor, alam niya na mahirap magkasakit lalo na kung hindi ‘yun napaghandaan, kaya isang foundation para sa mga stand-up comedians ang sinikap niyang magkaroon.

Kuwento ng aming co-host sa “Cristy Ferminute”, ang magaling na stand-up comedian na si Romel Chika, “Napakalaking tulong para sa amin ang foundation na itinayo niya. Sobrang laking tulong nu’n talaga para sa amin.

“Kunwari, kailangan mong magpagamot or magpa-executive check-up, walang bayad ‘yun, three days ka man sa hospital, sagot ng foundation ni Teri ang lahat-lahat.

“Napakarami na niyang natulungang kasamahan namin. Hindi nakakatakot magkasakit kapag may kasamahan kang tulad ni Teri Onor na may malasakit sa aming mga stand-up comedians,” sinserong kuwento ni Romel Chika.

Si Teri Onor ang kanang-kamay ng kanyang mayor na lola ngayon, kung tawagin siya sa Abucay ay Mayor 2, dahil sa mula sa pusong pagtulong niya sa kanyang mga kababayan.
Mabuhay ka, Teri Onor, mas marami pang biyaya para sa iyo at mahabang buhay!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending