Horoscope, Dec. 03, 2019

By Madam Sophia December 03,2019
share this

Horoscope, Dec. 03, 2019

By Madam Sophia December 03,2019
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Pasalamatan ang mga biyayang natatanggap! Sa pinansiyal, upang lalo kang suwertehin ngayong pasko tumulong sa mga mahihirap. Sa lovelife,  sa isang charitable work, makakasumpong  ng true love. Markahan ang 4, 17, 26, 32, 40 at 48. Red at silver ang buenas. Swerte sa initial na K. at Y.

Aries – (Marso 21-April 19)

      Bagong lipunan, bagong mundo at mga bagong kaibigan ang kailangan upang lumago ang kabuhayan. Tularan ang kambing laging bago at ibat-ibang damuhan ang pinapastulan. Markahan ang 9, 17, 28, 33, 43 at 45. Brown at magenta ang buenas. Swerte sa initial na S. at L.

Taurus – (April 20-May 20)

            Pagkain ang magpapasigla sa araw ng ito! Sa lovelife, mag-luto ng sopas, upang mapangiti ang minamahal. Sa pananalapi, mapalad sa negosyong may kaugnayan sa pagkain, dahil sabi nga ng iyong kasuyo: “Mahal the best kang magluto!” Markahan ang 6, 15, 29, 33, 46, at 47. Apple green at lilac ang buenas. Swerte sa initial na A. at F.

Gemini – (May 21-June 21)

          Magmadali bago maka-alpas ang suwerte. Sunggaban agad ang inaalok na pagkakakitaan ng isang Libra. Sa lovelife, minsan lang mag-init ang kasuyo, pagbigyan mo na upang makaraos. Markahan  ang 9, 14, 25, 34, 44 at 49. Green at siver ang buenas. Swerte sa initial na P. at R.

Cancer – (June 22- July 22)

        Huwag makisawsaw sa problema ng iba. Mahilig ka kasing makialam kaya sa bandang huli ikaw ang napapahamak.  Sa lovelife,  ikaw ang lihim nilang pinaguusapan, pero okey lang,  inggit lang sila sayo – mas maganda ka kasi sa kanila. Markahan ang 3, 14, 27, 33, 38 at 47. Red at violet ang buenas. Swerte sa initial na K. at J.

Leo – (July 23 – August 22)

Wag kang manghinawa na gumawa ng kabutihan. Nakikita ng langit ang kagandahang loob mo na ginagawa sa iyong kapwa. Kaya sa paskong darating gagantimpalaan ka ng malaking suwerte at magagandang kapalaran. Markahan ang 2, 19, 29, 38, 40 at 48. Gold at green ang buenas. Swerte sa initial na B. at G.

Virgo – (August 23 – September 22)

             Hindi kailangang maging perpekto ang lahat ng bagay. Gawing simple ang nasimulan at piliting tapusin. Sa lovelife, wag hanapan ang kasuyo, wala namang taong perpekto, kahit nga ikaw ay may kapintasan din. Markahan ang 7, 15, 23, 42, 44 at 49. Lilac at green ang buenas. Swerte sa initial na W. at S.

Libra – (September 23-October 23)

            Walang pinaka-mabisang paraan upang yumaman kundi ang magsinop ng kabuhayan. Sa lovelife at pinansyal wag magpatangay sa luho ng minamahal, turuan siyang gumastos ng sapat lang sa kinikita. Markahan  ang 6, 17, 19, 28, 37 art 45. Beige at red ang buenas. Swerte sa initial na T. at D.

Scorpio – (October 24 – November 21)

         Hindi uubra ang puwede na! Kailangang magbago ang buhay upang hindi na muling mabaon sa utang. Sa lovelife, hindi puwede ang puwede na, kailangang mapaligaya ng husto ang iyong kasuyo. Markahan ang 2, 11, 18, 28, 43 at 45. Green at lilac ang buenas. Swerte sa initial na Z. at C.

Sagittarius – (November 22 – December 21)

         Kahit na marami ang humihingi ng tulong at ikaw naman ay tumatanggi, hindi magbabago ang iyong suwerte, sa panahong ito ng kapaskuhan, anoman ang mangyari, dating at dating pa rin sa iyo ang mga biyaya at magagandang kapalaran. Markahan ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Blue at white ang buenas. Swerte sa initial na P. at L.

Capricorn – (December 22 – January 19)

         May paglalakbay na iaalok ang isang kakilala. Tandaang ang paglayo sa sariling bayan ang maghahatid sa malaking pag-unlad. Sa lovelife, hayaang mangulila ang kasuyo upang sa iyong pagbabalik mainit na  romansa ang kapalit. Markahan ang 5, 11, 25, 32, 41 at 49. Blue at yellow ang buenas. Swerte sa initial na M. at R.

Aquarius – (January 20 – February 18)

         Pahinga ang kailangan upang hindi tablan ng karamdaman. Sa pinansiyal, aanhin ang paldo-paldong salapi kung magkakasakit ka naman? Sa lovelife, ang pakikipag-romansahan ang pinaka-mabisang paraan upang lumakas ang immune system. Markahan ang 9, 18, 27, 33, 46 at 49. Maroon at lilac ang buenas. Swerte sa initial na G. at D.

Pisces – (February 19 – March 20)

              May biglang darating na suwerte na may kaugnayan sa materyal na bagay ngayong papalapit na ang kapaskuhan. Hindi mo naman ito dapat na gastusin ng gastusin hanggang sa maubos. Tipid-tipid din ang susi upang lalo pang umunlad ang kabuhayan. Sa lovelife, magiging maligaya ang relasyon sa iyong kasuyo basta’t lagi mo lang siyang pinupuri. Yon lang naman ang gusto nya, ang ma-appreciate mo ang kanyang value at halaga. Markahan ang 9, 12, 23, 36, 40 at 48. Silver at pink ang buenas. Suwerte sa initial na T. at H.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending