BAHAGYANG humina ang bagyong Tisoy habang papalapit sa kalupaan ng bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyo ay inaasahang magla-landfall sa Bicol region ngayong gabi (Lunes) o bukas ng umaga (Martes).
Mula sa bilis na hangin na umaabot sa 150 kilometro bawat oras, iniulat ng PAGASA na humina ito sa 140 kilometro bawat oras. Ang bagyo ay may pagbugsong 170 kilometro bawat oras.
Ang bagyo ay umuusad sa bilis na 25 kilometro bawat oras pakanluran.
Sa pagtataya ng PAGASA kahapon ng tanghali, apektado ng bagyo ang mga probinsya mula sa Luzon hanggang Mindanao.
Nagbabala ang PAGASA ng pagbuhos ng malakas na ulan at malalaking alon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.