Pacquiao nagsindi ng 'kaldero'; iba pang legendary Pinoy athletes bumida rin sa SEAG opening | Bandera

Pacquiao nagsindi ng ‘kaldero’; iba pang legendary Pinoy athletes bumida rin sa SEAG opening

Dennis Christian Hilanga - November 30, 2019 - 08:40 PM

HINDI lang ang mga Philippine national athletes ang bumida sa opening ng 30th Southeast Asian Games, maging ang mga alamat ng Philippine sports ay muling kuminang.

Si eight division world champion at boxing icon Manny Pacquiao ang nagsindi ng kontrobersyal na ‘kaldero’ kasama si women’s amateur boxing world champion Nesthy Petecio.

Binitbit naman nina Lydia de Vega, Eric Buhain, Akiko-Thomson Guevarra, Alvin Patrimonio, Bong Coo, Efren ‘Bata’ Reyes’, Mansueto ‘Onyok’ Velasco at Paeng Nepomuceno ang  Southeast Asian Games Federation flag.

Minsang hinirang na Asia’s fastest woman si De Vega habang si Buhain ang isa sa pinakamahuhusay na male swimmer sa southeast Asian region matapos na maguwi ng 15 gold medal sa biennial meet. Pitong ginto rin ang napanalunan ng isa pang swimmer na si Thomson na siyang pinakabatang Olympic athlete na ipinadala sa kasaysayan ng Pilipinas.

Apat na beses na itinanghal na PBA Most Valuable Player, tinulungan ni Patrimonio ang 1985 Philippine five na masungkit ang gintong medalya sa SEAG.

Kinilalang “The Magician” dahil sa mga makatulong-laway na tricks, naging 4-time world eight ball champion ang billiard king na si Reyes. Maglalaro siya sa kanyang huling SEA Games appearance kung saan tatangkain ng 65-anyos ang ginto sa 3 cushion carom men’s singles event.

Ang bowlers na sina 6-time world champion at 4-time world champion Nepomuceno at Coo ay may special participation din gayundin si 2-time Olympic boxer silver medalist na si Velasco.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending