Kasalang Vhong Navarro-Winona Bautista sa Japan wala nang urungan | Bandera

Kasalang Vhong Navarro-Winona Bautista sa Japan wala nang urungan

Reggee Bonoan |November 29,2019
facebook
share this

Kasalang Vhong Navarro-Winona Bautista sa Japan wala nang urungan

Reggee Bonoan - November 29, 2019 - 12:57 AM

VHONG NAVARRO

NGAYONG araw, Nob. 29 ang kasal ni Vhong Navarro sa longtime girlfriend niyang si Winona Bautista na magaganap sa Four Seasons Hotel sa Kyoto, Japan at inaasahang dadaluhan ng mga co-hosts niya sa It’s Showtime at iba pang kaibigan sa showbiz.

Balitang nag-advance taping na para sa ilang episode ng It’s Showtime dahil kasama rin sa wedding ang ilan sa mga kasamahan niya sa programa tulad nina Vice Ganda, Jhong Hilario at Anne Curtis with husband Erwan Heussaff. Nasa Japan na rin ngayon sina Kim Atienza at ilang principal sponsors sa kasal tulad ni Direk Chito Roño, talent manager ni Vhong at ang Regal Entertainment producer Roselle Monteverde.

Matatandaang nasulat na namin dito ang planong pagpapakasal nina Vhong at Winona na writer sa ilang show ng ABS-CBN noong Set. 13 base na rin sa narinig naming kuwentuhan ng ilang Kapamilya insiders pero ayaw pa raw itong ipaalam ng TV host-comedian sa publiko dahil gusto nilang i-announce ito kapag tapos na.

Oo nga, dahil tatlong araw bago ang nasabing kasal ay ipinost na ni Vhong sa kanyang Instagram ang prenup photos nila ni Winona na kinunan sa isang disyerto na may caption na, “She’ll often disagree, but at the end of it all, she will understand me.”

Sinundan pa ito ng litrato nilang nakadamit-pangkasal na kuha naman sa isang pier na may caption na, “Mag kamukha daw tayo sabi ng iba, ikaw daw ang babaeng version ko sabi ng iba. Saan pa ba yun papunta? Iba ka!”

Si Winona ang ikalawang asawa ni Vhong, ang una niyang pinakasalan ay si Bianca Lapus pero matagal na silang annulled. As of this writing ay wala kaming balita kung hanggang kailan sila sa Japan dahil sigurado kaming doon na rin ang honeymoon nila. Labing-isang taon na ang relasyon nina Vhong at Tanya.

Congratulations Vhong and best wishes Winona.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending