Raffy Tulfo pinagmumura ni Mystica: Magbabayad ka! | Bandera

Raffy Tulfo pinagmumura ni Mystica: Magbabayad ka!

Alex Brosas |November 28,2019
facebook
share this

Raffy Tulfo pinagmumura ni Mystica: Magbabayad ka!

Alex Brosas - November 28, 2019 - 12:15 AM

MALULUTONG na mura ang walang takot na pinakawalan ni Mystica laban kay Raffy Tulfo in her latest aria caught on video.

“Pu****ang ina, Raffy Tulfo. Hindi mo ba alam na kada isang tao na natutulungan mo, isang tao rin ang winawasak mo ang buhay.

“So, kung ilang tao ang natulungan mo, that’s equivalent kung ilang tao ‘yung winasak mo. Kulang pa ‘yung pagmumura ko para sa mga ginawa mo, nyeta!”

“‘Wag kayong matakot. Isa lang siya, isa lang siyang broadcaster na nanghakot ng limpak-limpak na salapi through us. Tapos sasabihin niya iisa lang daw ang pagkakamali niya.”

“Kung ilang tao ‘yung natulungan mo, mas maraming kaluluwa ngayon ang nagdurusa. Mas maraming dignidad ngayon ang pinatay mo. Mas maraming pangalan ang winasak mo pati kinabukasan nila. Kaya lahat kung sino ang nagba-bash sa kanya, thank God, finally, ginagamit na kayo ng Lord para ipaghiganti.

“‘Di ba ‘yun ang sinabi niya? And through me, kahit sabihin ng lahat ng tao ngayon na ako’y isang baliw, sige pangatawanan ko na ‘yun total lahat ng mga role natin sa mundo, lahat ‘yan ay may purose.

“Ngayon, kung ako man ang pinalabas ni Raffy Tulfo ngayon na baliw, well, thank God Lord dahil sa bibliya na sinabi na ‘I will use the foolest thing, I will use the foolest person in order to shame the wise and I will used the weakest thing or weakest persons.

“‘Di ba weak na ako, walang-wala na ako? Kasi ‘pag meron ka may power ka, ‘di ba? Pero sabi Niya, ‘I will use the weakest thing or the weakest person para i-shame din niya kung sino ang mga strong.

“Kulang pa ‘yan para pagbayaran mo kung ano ang mga winasak mo na mga buhay ng mga tao lalung-lalo na ako. ‘Yung titser at kung sinu-sino pa na nag-come forward, nasa akin na sila.

“It’s payback time. Pero ‘di ba ikaw na rin ang nagsabi na it will not affect you. Good dahil it will not affect you. Sige, sinabi mo na you are going to what you are doing, meaning to say you are going to hunt destroying everybody’s life until you die.

“Well, ako ngayon ang pinili ni Lord bilang salita niya and I would never ever stop to do my mission para rin ilagay ka kung saan ka ilulugar. Pu***ng i**a ka!”

Any comment, Raffy Tulfo? Papatulan mo ba Mystica?
q q q

Aminado si Arnold Clavio na hindi niya carry na mag-host ng katulad na show ng mga Tulfo.

“Ibigay na natin sa iba,” he quipped when asked kung kaya niya ang ginagawang sumbungan show ng Tulfo brothers.

Kahit na maganda naman ang paliwanag ni Arnold ay na-bash siya sa isang Facebook account.

“Magmumukha lang trying hard. Yung concept ng ibang channel pag ginawa nila walang originality maski na maganda pa layunin.”

“Hahaha! walang makagagaya sa tulfo brothers kahit sino man sa inyo malayong malayo na ang nararating ng mga tulfo brothers wala sa bukabolaryo nyong magagaya sila mahiya kayo, d bagay sa iyo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hind babagay sa kanya sa totoo lang. Mas ok pa rin sya sa news anchor.”

“Hindi siguro kayang magmura on air. Mag-aral ka muna magmura sa TV dahil isa yan sa mga hinangaan ng mga followers nya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending