Ilang AlDub fans bulag-bulagan pa rin sa relasyong ArMaine | Bandera

Ilang AlDub fans bulag-bulagan pa rin sa relasyong ArMaine

Cristy Fermin |November 28,2019
facebook
share this

Ilang AlDub fans bulag-bulagan pa rin sa relasyong ArMaine

Cristy Fermin - November 28, 2019 - 12:05 AM


MABUTI na lang at napakahaba ng pasensiya ng magaling na aktres na si Sylvia Sanchez, dahil kung hindi, siguradong maaapektuhan siya sa mga negatibong komento ng mga tagahanga ni Maine Mendoza na karelasyon ng kanyang anak na si Arjo Atayde.

Ewan naman kung anong ebidensiya pa ang hinihintay ng mga taong ‘yun para lang sila maniwala na si Arjo nga at hindi si Alden Richards ang boyfriend ni Maine.

Kapag nakakasama ng pamilya Atayde si Yaya Dub sa kanilang family dinner ay pinagdududahan pa ang presensiya ng dalaga, dinoktor lang daw ang mga retratong lumalabas sa social media.

Kaya raw malayo ang kuha ng retrato ay para hindi masyadong makilala na ibang babae ‘yun at hindi naman si Maine. Photoshopped lang daw ang pictures na lumalabas.

Ano naman kaya ang mapapala ng pamilya Atayde kung maglalabas sila ng mga pekeng retrato? Ganu’n na ba kamiserable ang tingin ng mga taong ‘yun sa pamilya ng magaling na aktor?

Pati sa kanilang dinner ay pinabibintangan din ang pamilya nina Art at Sylvia na pinagastos pa raw si Maine, ito raw kasi ang nagbayad sa dinner, hindi na raw nahiya ang pamilya.

Inconsistent ang mga taong ‘yun. Hindi raw si Maine ang nasa retrato, pekeng Maine lang daw ang nakasama sa dinner ng pamilya Atayde, pero si Yaya Dub pala ang pinagbayad sa kinain nila?

Alin ba sa kanilang mga upak ang totoo? Nandu’n si Maine Mendoza o wala?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending