Janella sa lovelife:Kapag ready na kami, sasabihin namin sa inyo
SA nakaraang premiere night ng “The Heiress” ay hindi totoong nag-walkout si Maja Salvador kasama ang boyfriend na si Rambo Nunez, hindi lang talaga kinaya ng aktres ang ilang eksenang nakadidiri.
Kahit kami ay nandiri rin sa ilang eksena sa pelikula lalo na ‘yung sumuka ng maitim na likido at lumabas ang mahabang dila ng gumanap na dalahirang land lady sa kuwento dahil binarang ng karakter ni Maricel Soriano. Pinahirapan muna niya ito bago tuluyang pinatay.
Buti na lang at matibay ang sikmura namin sa mga ganu’ng eksena kaya nakayanan din namin ang iba pang nakakadiring tagpo sa “The Heiress”. Ito rin marahil ang naramdaman ni Maja kaya siya nagmadaling umalis.
In fairness, ang mismong bida ng The Killer Brida ang nag-insist na manonood siya ng “The Heiress” bilang suporta kay Janella Salvador na kasama niya sa serye.
Kaya naman kahit hindi tinapos nina Maja at Rambo ang pelikula ay todo ang pasalamat ni Janella sa kanyang tita dahil nag-effort itong pumunta sa red carpet premiere screening sa SM Megamall Cinema 7.
Hindi rin naman napahiya si Janella sa kanyang tita Maja dahil mahusay ang batang aktres sa “The Heiress” sa pakikipagtagisan nito sa pag-arte kay Maricel bilang mambabarang.
Talk of the town kahapon ang pelikula nina Marya at Janella sa dinaluhan naming event sa Shangri-La Hotel na Juanlife Personal Accident Insurance, bilib na bilib sila sa husay ng Diamond Star na kahit ilang taong nahinto sa pelikula ay wala pa ring kupas.
Palabas na ang “The Heiress” sa mga sinehan ngayon mula sa Regal Films na idinirek ni Frasco Mortiz.
Samantala, sinuportahan din si Janella ng kanyang rumored boyfriend na si Markus Paterson kaya sa tanong ng ilang members ng press sa dalaga kung anong level na ang relasyon nila, “Kapag ready na kami, sasabihin namin sa inyo.”
q q q
Speaking of horror movies ay heto’t dumayo na sa ibang bansa ang documentary film na “Aswang” na ipinrodyus at idinirek ni Alyx Ayn Arumpac.
Kasama ang “Aswang” sa 12 entry sa International Documentary Film Festival Amsterdam (IDFA) Competition for First Appearance 2019 sa Netherlands. Ito ay co-production ng Pilipinas, France, Norway, Qatar, at Germany. Makakalaban nito ang mga produksyon galing Spain, Russia, Qatar, Denmark, Brazil, Poland, China, the UK, Serbia, Croatia, Colombia at Georgia.
Ang IDFA, na nasa ika-32 na taon, ay itinuturing na Cannes sa mundo ng documentary filmmaking.
Nagpapalabas ito ng mahigit sa 300 na pelikula taun-taon kaya kasama ito sa mga nangungunang international documentary film fest.
Pagpapasyahan ang Competition for First Appearance 2019 ng limang miyembro ng IDFA Jury na pinangungunahan ni Paolo Moretti, ang Delegate General ng Cannes Directors’ Fortnight. Makakasama niya ang editor at filmmaker na si Maya Hawke, at ang mga filmmaker na sina Tatiana Huezo, Anand Patwardhan at Emma Davie.
At dahil nakapasok ang Aswang sa IDFA Competition for First Appearance, nagkaroon ng world premiere sa Amsterdam noong Nob. 21 ang dokumentaryong tungkol sa war on drugs sa Pilipinas.
Ayon sa direktor na si Arumpac, “We’re very proud and grateful to premiere at IDFA, and happy that we were selected for the competition lineup. IDFA is one of the film’s biggest supporters, through its Bertha Fund, IDFAcademy Summer School, and the IDFA Forum. Despite this, all films still have to undergo a selection process to be able to screen or compete in the festival.”
Ibinahagi rin ng direktor na soldout na ang dalawang screening ng “Aswang” sa Amsterdam.
Noong 2018, nakatanggap ang “Aswang” ng 40,000 euro para sa Europe: International Co-production mula sa IDFA Bertha Fund na sumusuporta sa mga dokumentaryo ng mga umuunlad na bansa.
Kabilang din ang “Aswang” sa 2018 IDFAcademy Summer School Script na nagbibigay ng pagsasanay sa mga umuusbong na talento sa larangan ng paggawa ng dokumentaryo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.