#No Network War: Kapamilya, Kapuso stars nagsama-sama sa ‘Rhea Royale’
WALANG network war! ‘Yan ang tila nais ibandera ng mga Kapuso at Kapamilya na nagsama-sama sa isang bonggang event nitong nakaraang weekend.
Yes, sa isang very rare opportunity, nagkaroon ng chance ang ABS-CBN at GMA stars na makapagbonding sa “Rhea Royale”, ang 40th birthday celebration ng Beautederm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan last Saturday night na ginanap sa sosyal na Royce Hotel, Clark Freeport sa Pampanga.
Tanging ang super successful businesswoman lang ang matagumpay na nakagawa na pagsama-samahin ang mahigit 40 celebrities bilang bahagi ng kanyang ika-40 kaarawan kasabay na ring ng pagdiriwang ng 10th aniversary ng Beautederm hosted by Smokey Manaloto, Sherilyn Tan and Maricel Morales.
Kaya naman tuwang-tuwa ang mahigit 700 distributors and sellers ng Beautederm na dumalo sa event na nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa, at meron ding mga nakarating from Singapore and USA kung saan humahataw na rin ang mga produkto ng kumpanya ni Rhea Tan.
Bukod kasi sa mga bonggang pa-raffle para sa kanila ay may bonggang regalo pa si Ms. Rhea sa lahat ng um-attend sa kanyang birthday – ‘yan ay ang back-to-back concert nina Gary Valenciano at Zsa Zsa Padilla. Talagang nakikanta at nakisayaw ang lahat ng nasa event sa dalawang Kapamilya performers, lalo na nang humataw na on stage si Mr. Pure Energy kasama ang Manouevres.
Siyempre, magpapahuli ba ang mga ambassadors ng Beautederm – nag-duet ang Kapuso star na si Pauline Mendoza at Kapamilya singer-actor na si Hashtag Ryle Santiago, na sinundan ng duet and solo numbers nina Ken Chan at Rita Daniela. Pati nga sina Gabby Concepcion at Lorna Tolentino ay hindi nagpatalbog.
Nagbigay din ng special awards si Ms. Rhea during the party para sa kanyang mga ambassadors and distributors kung saan nanalong Best Dressed celebrities sina Sylvia Sanchez at Tonton Gutierrez na parehong nag-ala James Bond sa “Casino Royale” movie.
Nagsilbi ring family affair ang “Rhea Royale” dahil talagang isinama ng mga ambassadors ang kani-kanilang pamilya para makisaya sa event. Magkasama ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado, couple Rochelle Barrameda at Jimwell Stevens, at ang magdyowang sina Ejay Falcon at Jana Roxas. Kasama naman ni Sylvia ang mga anak na sina Arjo Atayde at Ria Atayde na mga brand ambassadors din ng kumpanya ni Rhea.
Naroon din si Camille Prats with husband John Yambao, Carlo Aquino with girlfriend Trina Candaza. Present din si Alma Concepcion na siyang nanalo ng grand prize sa raffle (brand new car). Naiyak pa ang dating beauty queen sa stage habang pinasasalamatan si Rhea.
Ang iba pang ambassador na naroon ay sina Enchong Dee, Powerhouse Diva Dessa na siyang kumanta ng theme song ng Beautederm, Jestoni Alarcon, Kitkat, Kakai Bautista, Sanya Lopez, Jane Oineza, Shyr Valdez, Boobay, Luke Mejares, Ynez Veneracion, Alyanna Asistio, Alynna, Darla Sauler, Alex Castro at Migz Magsaysay.
Actually, dalawang araw ang selebrasyon na taun-taong ginagawa ni Rhea para sa kanyang distributors and ambassador. Sa unang araw ay nagkaroon ng BeauteCon na ginanap sa Marriott Hotel, Clark Pampanga na dinaluhan ng mga distributor at resellers ng Beautederm kung saan humarap ang mga inimbitang guest speaker para magbahagi ng kanilang kaalaman sa pagnenegosyo.
Dito rin pumunta si Marian Rivera-Dantes para pangunahan ang pagbibigay ng awards sa ilang distributors. Pagkatapos nito ay ni-launch din ang kanilang men’s products kasama ang endorser na si Enchong Dee.
Sa Nov. 26 pa talaga ang kaarawan ni Rhea pero in-advance na niya ang selebrasyon dahil ilalaan niya ang eksaktong araw ng kanyan birthday sa pagsisimba sa Our Lady of Manaoag, “Talagang kapag sa mismong araw ng birthday ko, nagsisimba ako sa Manaoag. Sa kanya lang talaga ang araw na iyon. Wala akong ibang gagawin. Kaya inuna ko na ang mga ito. Devotee kasi ako ni Mama Mary.”
Naniniwala kami na kaya super successful ang negosyo ni Ms. Rhea ay dahil sa walang sawa rin niyang pagse-share siya ng blessings sa ibang tao. Hindi lang pera-pera ang pinaiiral niya kundi ang pagtulong sa kapwa. Walang balak tumakbo sa kahit anong posisyon sa gobyerno ang matagumpay na negosyante – “Gusto ko lang tumulong at magpasaya.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.