NAGLAWAY at nagpiyesta ang mga beki sa ipinost na litrato ng Pambansang Bae na si Alden Richards sa Instagram.
E, kasi naman, talagang pa-yummy ang latest IG photo ng Asia’s multimedia kung saan pine-flex niya ang kanyang pamatay na biceps. “Them guns,” ang caption ng Kapuso heartthrob sa litrato.
Of course, libu-libo ang nag-like at nag-comment sa magandang katawan ni Alden lalo na ang mga bading na nanghingi pa ng kanin dahil ulam na nga ang tingin nila sa katawan ng lead star ng primetime series na The Gift.
At in fairness, hindi lang ang mg netizens at fans ng Pambansang Bae ang na-impress at napa-wow sa kanyang “flex photo” kundi pati na rin ang mga kapwa niya celebrities.
Komento ni Lovi Poe, “May hold-up na naganap!”
Hirit naman ni Bea Binene, “Ay ibaaaa!”
Sey ni Megan Young, “Ready na for GVG hahahaha!”
Comment naman ni Rodjun Cruz, “Hanep batak!!!”
Samantala, sa pagpapatuloy ng GMA Telebabad series na The Gift abangan kung paano haharapin ni Sep (Alden) ang galit ni Nadia (Jean Garcia) nang dahil sa nangyari sa anak niyang si Jared (Martin del Rosario).
Ang akala kasi ni Nadia ay si Sep ang nasa likod ng tangkang pagpatay kay Jared kaya sinugod niya ito at sinaktan. Pero siyempre, to the rescue ang kanyang Nanay Straw (Jo Berry) at Lola Char (Elizabeth Oropesa).
Abangan kung paano ipagtatanggol ni Sep ang sarili sa mga akusasyon laban sa kanya. Ano ang gagawin niya para patunayang si Jared ang tunay na pumatay kay Faith (Thia Thomalla) at magkaroon pa kaya siya ng chance para malaman na si Nadia ang tunay niyang ina?
Napapanood pa rin ang The Gift pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA directed by LA Madridejos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.