Maria binantaan si Ion: 'Wag mong lolokohin si Vice, hahanapin kita! | Bandera

Maria binantaan si Ion: ‘Wag mong lolokohin si Vice, hahanapin kita!

Ervin Santiago - November 23, 2019 - 12:29 AM

FINALLY, nakilala na rin ni Diamond Star Maricel Soriano si Ion Perez, ang boyfriend ng kanyang “anak” na si Vice Ganda.

Super proud na in-introduce ni Vice sa kanyang nanay-nanayan ang karelasyon sa nakaraang episode ng It’s Showtime. Manghang-mangha naman ang award-winning veteran actress sa itsura ni Ion, aniya gwapo raw pala sa personal ang binata.

Hirit ng Diamond Star kay Ion, “Anak, may itatanong ako sa iyo, mahal mo ba ang anak ko?”

“Ito lang ang masasabi ko sa inyo, ‘yung anak niyo ay mamahalin ko nang lubos, sapat at tapat,” tugon ng binata na sinundan ng tilian at palakpakan ng madlang pipol.

“Maging mabuti ka sa anak ko, huwag mo siyang lolokohin. ‘Yun lang ang hinihiling ko. Alam mo masarap maging maligaya. Alam mo sabi nila masarap lang daw sa umpisa.

“Pero huwag mong gaganunin si Vice, hahanapin kita. Gusto ko kapag sinabi mong mahal mo siya, mahal mo na siya forever,” birong pagbabanta ni Maria kay Ion.

“Ang pag-ibig naman po namin ay parang halo-halo, habang tumatagal mas lalo siyang sumasarap,” dagdag pang pahayag ng binata sa Diamond Star.

Nagbigay din ng mensahe si Maria kay Vice, “Tuwang-tuwa ako para sa iyo anak. Sa wakas magiging maligaya ka na rin nang walang pag-iimbot at buong katapatan.

“Wala na tayong sakit ng ulo na ‘eh, kasi hindi naman niya ako puwedeng ipakilala.’ Ayaw ko na ganun ang nararamdaman mo, ang gusto ko ang nararamdaman mo ay puro pagmamahal,” aniya pa.

Bumisita ang aktres sa It’s Showtime para mag-promote ng bago niyang horror movie na “The Heiress” na showing na sa mga sinehan sa Nov. 27.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending