Ai Ai-Gerald planong kumuha ng baby maker para lang magkaroon ng anak? | Bandera

Ai Ai-Gerald planong kumuha ng baby maker para lang magkaroon ng anak?

Jun Nardo |November 22,2019
facebook
share this

Ai Ai-Gerald planong kumuha ng baby maker para lang magkaroon ng anak?

Jun Nardo - November 22, 2019 - 12:35 AM

AI AI DELAS ALAS AT GERALD SIBAYAN

BURADO na muna pansamantala ang balak magbuntis ni Ai Ai delas Alas next year.

Ang pag-urong sa plano nila ng asawang si Gerald Sibayan na i-hold muna ang naunang plano ay ibinahagi ng Comedy Queen sa renewal niya sa ikalimang taon bilang celebrity endorser ng Hobe Bihon.

Wala naman daw kinalaman ang pag-atras niya sa kontratang pinirmahan niya bilang ambassador ng produkto ni Bobby Co.

“In full support sila sa lahat ng plano ko, sa career man o personal life. Kaya nga natutuwa ako dahil pinagkatiwalaan akong muli ni Sir Bobby lalo na’t laging tumataas ang sales nila,” pahayag ni Ai Ai.

“Hindi naman ako malungkot. Pero mas priority ngayon ang health ko,” deklarasyon ni Ai Ai.

“Ako lang kasi minsan nai-stress din ako. Kasi minsan, nagkakaroon din ako ng biglaang sakit. Eh, di ba, kapag buntis ka, hindi ka naman puwedeng uminon ng gamot, eh.

“Saka di ba, ang katawan ko, organic? Pag nasasapian ako ng mga syntethic (na gamot) nagkakasakit ako.

So kawawa naman ang baby kung sakaling mabuntis ako. Health issues kaya hindi muna.

“Siyempre, ‘yung baby, kapag nasanay ‘yon sa organic na kinakain ko, paano na siya? Paano kapag may sakit siya at naanuhan mo ng ganot or something? Syntethic ‘yon. Hindi naman puwedeng ganoon,” dagdag pa ng Reyna ng Komedya.

Sinang-ayunan naman ng asawang si Gerald ang desisyon niya.

“Nai-stress din kasi siya na magbubuntis ako. Alam niya ang lifestyle ko, tapos kapag nanganak ako.

Lalagyan ako ng anesthesia. Nai-stress siya du’n. Kasi alam niya na may magiging effect sa system ko yun,” saad ni Ai Ai.

At dahil diyan, wala na muna siyang aalalahanin ngayon sa pagsisimula ng bagong teleserye niya sa Kapuso Network next year. Tapos na rin siya sa pagsu-shooting ng Metro Manila Film Festival 2019 entry niya with Coco Martin and Jennylyn Mercado, ang “3Pol Trobol Huli Ka Balbon,”.

Kaya sa mga susunod na linggo, sasabak na rin siya sa promotions ng pelikula at dahil wala na siyang aalalahaning pagbubuntis,, makakalarga na rin siya nang husto hanggang sa magsimula ang filmfest.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayaw ba nilang subukan ni Gerald na kumuha ng baby maker? “Wala pa sa plano namin ni Gerald ‘yan. Tapusin ko muna ang holidays bago kami umisip ng paraan para sa pagbubuntis ko!” deklarasyon ni Ai Ai.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending