Female star problemado sa babaerong mister: Pati mga katrabaho pinapatos | Bandera

Female star problemado sa babaerong mister: Pati mga katrabaho pinapatos

Cristy Fermin |November 21,2019
facebook
share this

Female star problemado sa babaerong mister: Pati mga katrabaho pinapatos

Cristy Fermin - November 21, 2019 - 12:05 AM


AYAW talagang tumigil ang mga kuwento tungkol sa pagiging playboy ng mister ng isang kilalang female personality. Maraming nakakapansin na malalim ang dinadalang problema ng babaeng personalidad.

Walang ibang itinuturo ang mga miron kundi ang pamumroblema ng babae sa kanyang mister na guwapo. Lapitin ito ng mga kababaihan at masyadong generous naman kuno ang lalaki.

Kuwento ng isang source, “Hindi na nakapagtataka kung bakit masyadong lapitin ng mga girls ang husband ng female personality. Guwapo naman kasi!

“Bukod sa guwapo na, e, matalino pa! Sino naman ang hindi magkakagusto sa ganu’ng klase ng guy? Pero may mga umiikot ding kuwento na malikot sa aparato ang lalaki!

“Mabilis siyang mahulog sa mga kababaihan. Kahit ilang araw pa lang silang magkasama sa trabaho, e, nagkakaroon na agad ng milagro sa pagitan nila ng girl!” unang chika ng aming impormante.

Kaya kapag nakikita ng kanyang mga kaibigan ang female personality na malungkot at parang wala sa sarili ay nag-uusap ang kanyang mga kasamahan.

Patuloy ng aming source, “Ayaw lang niyang mag-open up, pero alam ng mga friends niya na may problema siya. Natural, nahihiya namang magtanong ang mga katrabaho niya kung bakit parang palagi siyang malungkot?

“Walang maglalakas-loob, unless, ang girl na mismo ang magbukas ng topic. Malihim naman kasi ang babaeng ‘yun, hindi niya nakahiligan ang maglabas ng mga nangyayari sa buhay nilang mag-asawa.

“Paminsan-minsan lang siyang nagpo-post, maigsi pa, hanggang ganu’n lang ang ginagawa niya. Nakakaawa naman siya, sa totoo lang!” nakikisimpatya pang kuwento ng aming source.

Minsan nang nalagay sa gitna ng mga kontrobersiya ang mister ng female personality nang maugnay ang pangalan nito sa isang mas batang female personality.

Nagkasama lang sila nang ilang linggo sa linya ng trabaho ng female star, pero may lumutang nang kuwento na naging sila at sila pa rin, hanggang sa matapos na ang trabaho nila.

Pagkatapos ng aming source, “Kahit pa humahalakhak nang humahalakhak sa isang sitcom ang girl, halatado pa ring problemado siya. Hindi ‘yun naitatago ng malungkot niyang mga mata.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo siya, as in, ayaw ng mga manok!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending