LUMAKAS ang bagyong Ramon, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Umakyat sa Severe Tropical Storm category ang bagyo matapos bumilis ang hangin nito na umaabot na sa 100 kilometro bawat oras at pagbugsong 125 kilometro bawat oras.
Umuusad ito sa bilis na 10 kilometro bawat oras patungong hilaga-hilagang kanluran. Kung hindi magbabago ng bilis at direksyon, ang bagyo ay inaasahang magla-landfall sa hilagang bahagi ng Cagayan kagabi o ngayong umaga.
Magdadala ang bagyo ng pag-ulan sa hilagang bahagi ng Luzon.
Samantala, ang binabantayang low pressure area ng PAGASA ay nasa layong 1,320 kilometro sa silangan ng Eastern Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.