Empress ayaw pa ring pakasalan ang tatay ng anak: Kung love niya ako, maghihintay siya…
DUMATING sa grand opening ng ikaapat na branch ng milk tea business ni Empress Schuck na King’s Cup Blends ang boyfriend niyang si Vino Guingona with their daughter Athalia.
This is the first time na na-witness ni Vino ang pagbubukas ng latest franchise na matatagpuan sa Robinson’s General Trias, Cavite.
“Siyempre support niya sa akin ang pagpunta rito. Pero kasi, mahiyain siya, e, kaya first time lang niya naka-attend sa grand opening. ‘Tas taga-Zamboanga kasi siya. Kahit naman malayo siya, may support naman kami sa isa’t isa. Hindi naman nawawala ‘yun,” ani Empress.
Ipinag-drive pa raw siya ni Vino papunta ng Cavite kay mas na-happy ang feeling ni Empress that time.
“Full support lang nga kasi sinamahan niya ako. Pinag-drive niya ako. So, ayan, happy ako. Tsaka kasi, friend din niya si Andrei, magkaklase sila (sa La Salle University),” sabi pa ni Empress.
Si Andrei ang business partner ni Empress sa King’s Cup. And through Vino kaya nakilala ni Andrei si Empress at kinumbinse na maging business partners sila. May lima pa raw silang branch na bubuksan before the end of the year. Tapos may nakapila pa raw na 17 branches to be opened.
Sandamakmak na rin ang milk tea stores sa Metro Manila at ilang karatig province. Pero confident sina Empress sa success ng business nila dahil unang-una hindi mahal ang presyo ng products nila.
Less than one year pa lang sila sa milk tea business pero mabilis silang nakapag-create ng name, “Konting improvements pa. Ibig kong sabihin, hindi pa kami umaabot sa 100 franchises. So, marami pa talaga kaming paghihirapan pa.
“Marami pa kaming paghihirapan para maabot ‘yung pinaka-success. But at least, umaangat. Hindi kami bumabalik sa umpisa. At least, nagmu-move forward kami,” lahad ng aktres.
Pumasok na raw sa sistema ni Empress ang pagiging businesswoman, “‘Tsaka parang nakikita ko na hindi lang dito ‘to. Parang mas marami pa.”
Regarding her showbiz career, freelancer pa rin daw siya sa kwadra ng manager niyang si Becky Aguila, “May ibang inquiries. Pero so far, wala pang natutuloy. So, hindi ko alam kung bakit hindi natutuloy.”
Isa na riyan ang movie na nasimulan niyang gawin with Cesar Montano. Hindi na raw siya binalikan about the movie kaya nanghihinayang si Empress.
***
Samantala, ang daming naganap na marriage proposal sa showbiz lately, “Oo nga ‘no. Si Sarah Geronimo, si Sheena Halili. Kay Tita Becky din siya, e. Si Ate Val (Valerie Concepcion). Si Angel (Locsin),” kinikilig na sabi ni Empress.
Kaya tinanong namin siya kung kailan naman kay magpo-propose sa kanya si Vino, “Hayaan natin sila. Huwag tayong makipagsiksikan. Ha-hahaha!”
Hindi pa raw handa si Empress na lumagay sa tahimik, “Feeling ko kasi bata pa ako. Ewan ko. Siguro kasi, ngayon ko pa lang nararanasan ‘yung magganito. Kasi dati naman, nandoon lang ako sa poder ng nanay ko. Lahat ng desisyon, siya. So, never ako naka-experience magkaroon ng sariling desisyon.
“So, ngayon, parang ine-enjoy ko ‘yung freedom ko. So, mag-wait muna kami. Hindi naman kami nagmamadali.”
E, kailan ba niya gustong magpakasal? “Kung 26 ako ngayon, ‘di ko alam. Baka 40. Feeling ko mas marami pa akong gagawin sa mga susunod na taon, e.”
Payag si Vino mag-wait? “Kaya niya ‘yan. Ha-hahaha! E, kung mahal niya talaga ako, hihintayin niya ako ‘di ba?”
Sa ngayon, ayaw pa rin daw niya munang sundan ang baby girl nila ni Vino na si Athalia, “Na-enjoy ko pa siya, e. Saka parang hindi pa rin siya ready. Tinatanong ko siya, ‘You want a baby sister or baby brother?’” tanong ni Empress kay Athalia na nakakalong sa kanya.
“Umiling, hindi raw. Feel na feel pa kasi niya ang pagiging solo baby sa family namin, e,” sabi pa ni Empress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.