Arjo isasama si Maine sa New Year vacation ng pamilya sa Dubai? | Bandera

Arjo isasama si Maine sa New Year vacation ng pamilya sa Dubai?

Reggee Bonoan |November 19,2019
facebook
share this

Arjo isasama si Maine sa New Year vacation ng pamilya sa Dubai?

Reggee Bonoan - November 19, 2019 - 12:05 AM

MAINE MENDOZA AT ARJO ATAYDE

MAINE MENDOZA AT ARJO ATAYDE

SA ginanap na pagbubukas at blessing ng Sylvia Sanchez by Beautederm ay nabanggit ni Sylvia Sanchez na wala sa bansa ang kanyang pamilya sa Bagong Taon.

Pupunta sila ng Dubai para roon salubungin ang New Year at para makapag-bonding na rin dahil nga kapag nasa Pilipinas sila ay bihira silang nagkikita-kita.

Aniya, “Nandito kami ng Pasko, pero bago mag-New Year ay papunta kami ng Dubai, last year nasa Japan kami. Saka gusto ko buo kaming pamilya kapag Christmas at New Year.”

“Espesyal” na raw ang Bagong Taon nila ngayon kaya natanong ang ina ni Arjo Atayde kung kasama ang girlfriend nitong si Maine Mendoza, “Ay hindi ko alam, bahala na sila ni Arjo mag-usap diyan, ayokong makialam Hindi ako nakikialam sa kanila,” mabilis nitong sagot.

Mukhang wala nang masyadong bashers ang relasyon nina Arjo at Maine marahil ay tanggap na nila ang katotohanan at nakikita naman nila kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Napangiting sabi pa ni Ibyang, “Kahit naman may negative, may positive na nangyari sa buhay namin, masaya kami, okay lang kami basta ang sa akin intact ang pamilya, suportado ang isa’t isa.

“Sa pamilya natin, sa bawa’t isa sa atin, walang makakabagsak sa atin hangga’t merong pagmamahal sa isa’t isa hangga’t suportado ka ng pamilya mo at importante, hindi ibang tao,” aniya pa.

Ang kuwento ng teleseryeng Pamilya Ko nina Sylvia, Joey Marquez, JM de Guzman at iba pa ay hawig sa kuwento ng pamilya ng aktres sa tunay na buhay. Kaya damang-dama ng aktres ang bawa’t eksena sa serye.
Anyway, ang ikalawang branch ng Sylvia Sanchez by Beautederm ay pag-aari pala ng anak niyang si Ria Atayde. Ang unang store nila na nasa Butuan City na itinayo noong 2017.

“’Yung mga itatayo namin sa SM Mall Butuan at SM Mall dito sa Manila ay solo ulit ni Ria, so inihahanda ko na siya sa ganu’n. Kaya lang may pangalan kong Sylvia Sanchez kasi ito pa ang kilala, pero later on kapag okay na si Ria sa career niya, lalagyan na ‘yan ng Ria Atayde, siyempre sa kanya naman ‘yun,” paliwanag sa amin ng aktres.

Inamin ni Ibyang na malaki ang nabenta nilang skin care products dahil sinamantala ng mamimili ang buy 1 take 1 promo. Talagang nagulat siya sa kanilang kinita during the opening.

Abut-abot din ang pasasalamat ng aktres sa Presidente at CEO ng Beautederm na si Rei Ramos Anicoche-Tan, “Naniniwala ako na kapag nagbigay ka ng something sa kapwa mo o meron kang isi-share, hindi ka nag-e-expect na mababalik sa ‘yo kasi itinulong mo ‘yun.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sobra akong natutuwa at gusto kong makita si Rei, na ang skin care business niya ay maging number one dito sa Pilipinas dahil totoo at naniniwala ako sa mga produkto. At nakakatuwa kasi ‘yung ibang customers namin ni Ria nagiging resellers at disributors din,” sabi pa ni Ibyang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending