Karla super in love sa bagong dyowa; mas mauunang ikasal kina Daniel at Kathryn | Bandera

Karla super in love sa bagong dyowa; mas mauunang ikasal kina Daniel at Kathryn

Julie Bonifacio |November 18,2019
facebook
share this

Karla super in love sa bagong dyowa; mas mauunang ikasal kina Daniel at Kathryn

Julie Bonifacio - November 18, 2019 - 12:20 AM

UMAMIN na si Karla Estrada tungkol sa kanyang bagong boyfriend sa nakaraang episode ng Magandang Buhay na ikinatuwa ng kanyang co-hosts na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Nagkuwento kasi si Karla tungkol sa kanyang recent trip sa Tokyo, Japan. Ang pagpunta niya roon ang pinakamasayang bakasyon niya in recent years.

“Bukod sa last year na kasama ko ang mga anak ko na nag-snow kami… ito ang pinakamasaya na nakasama ko ang partner naman,” lahad ni Karla.

Siyempre, kilig na kilig naman ang mga kaibigan niya pati na ang audience sa studio ng MB. Hirit ni Jolens, “Ayun na nga, momshies, it’s official, in a relationship na ang Queen Mother.”

Say naman ni Melai, “I-namin na niya sa telebisyon. I love it.”

May rason si Karla kung bakit inamin na niya sa publiko ang tungkol sa bago niyang karelasyon, “Deserve naman. He is a very good man,” sabi niya.

Prior to her admission, ilang beses na nating naiulat sa ating kolum ang tungkol sa bagong inspirasyon ng ina ni Daniel Padilla.

Sa huling tsika tungkol kay Karla sa birthday episode ni Jolens sa Vigan, Ilocos Sur, ka-join ng nanay ni Daniel ang kanyang nobyo sa pagiikot sa naturang lugar. Mukhang inseparable na nga ang dalawa, huh!

At least, inunti-unti talaga ni Karla ang pagri-reveal tungkol sa kanyang lovelife. Before we knew it, baka mauna pa siyang ikasal sa boyfriend niya kesa kina Daniel at Kathryn Bernardo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending