Maricel nabuking ang pagnanasa kay Piolo, game sa mala-‘Glorious’ na pelikula | Bandera

Maricel nabuking ang pagnanasa kay Piolo, game sa mala-‘Glorious’ na pelikula

Ervin Santiago - November 17, 2019 - 12:55 AM

MARICEL SORIANO

NABUKING ang pagnanasa ng Diamond Star na si Maricel Soriano kay Piolo Pascual nang mapag-usapan ang temang May-December affair sa mga pelikula.

Nakorner ng ilang members ng entertainment media si Maria pagkatapos ng grand presscon ng latest horror movie niyang “The Heiress” mula sa Regal Entertainment.

Nauna nang nabanggit ng award-winning actress si Piolo sa question and answer portion ng presscon dahil napag-usapan ang working attitude ng mga youngstars na nakatrabaho niya.

Ayon kay Maria, si Piolo ang perfect example ng isang kabataang artista na dapat tularan ng mga baguhang artista ngayon. Nakasama niya si Papa P noong 2001 nang gawin nila ang pelikulang “Mila.”

“Alam mo, ang palaging ginagawa kong ehemplo pagdating sa ganito, si Papa P. Si Piolo kasi, noong ginawa ko ‘yung ‘Mila’, alam mo, napaka-professional and very punctual.

“He’s always in the set na nagbabasa ng script, dala-dala yung unan niya at nagme-memorize ng script at walang kinakausap kundi yung script niya.

“Kaya sabi ko, noong panahon na ‘yun, sinabi ko na ‘to, na sana, kung merong mga artistang baguhan o pumapasok pa lang sa pag-aartista, tularan nila ‘yung attitude ni Piolo,” lahad ng Diamond Star.

At nang matanong nga siya kung posible bang magsama sila ni Papa P sa isang pelikula na mala-Glorious ang tema nina Angel Aquino at Tony Labrusca o parang kuwento ng “Just A Stranger” nina Anne Curtis at Marco Gumabao, dito na bumigay si Maria.

“Oo naman, basta si Papa P! Go ako diyan. Alam n’yo naman pag si Papa P!” sagot ni Maria na kilig na kilig habang nagpapabebe.

Samantala, tulad ni PJ, puring-puri rin ni Maria ang mga co-stars niya sa “The Heiress” na sina Janella Salvador at McCoy de Leon.

Mga anak-anakan na rin ang turing niya sa mga ito kaya naman feeling blessed ang dalawang Kapamilya stars dahil na-experience nila ang pagiging thoughtful and sweet ng kanilang Mama Mary.

Ayon kina Janella at McCoy, marami silang natutunan kay Maria at binigyan din sila ng advice habang sinu-shoot nila ang “The Heiress” na showing na sa Nov. 27 sa mga sinehan nationwide. Ito’y sa direksyon ni Frasco Mortiz.

Ayon kay Maria, na-miss niya ang gumawa ng horror movie dahil ang last pa niya ay ang “T2” kaya nang i-offer sa kanya nina Mother Lily at Roselle Monteverde ang “The Heiress” agad niya itong tinanggap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, trailer pa lang ng movie nakakatakot na, lalo na ‘yung mga eksena habang nagsasagawa ng barang. Kaya kung gusto n’yong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari sa biktima ng barang at kung ano ang posibleng sapitin ng mga nambabarang, watch na kayo ng “The Heiress”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending