NCRPO naka-full alert mula Nov. 25 hanggang Dec. 14 para sa SEA Games 2019 | Bandera

NCRPO naka-full alert mula Nov. 25 hanggang Dec. 14 para sa SEA Games 2019

- November 15, 2019 - 05:16 PM

NAKA-full alert ang National Capital Region Police Office (NCRPO) mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 14 para sa pagdaraos ng Southeast Asian (SEA) Games 2019 sa bansa.

Sinabi ni acting NCRPO chief Police Brig. Gen. Debold Sinas na aabot sa kabuuang 8,000 pulis ang itatalaga para tiyakin ang seguridad ng mga manlalaro at ang pagdarausan ng mga patimpalak hanggang matapos ang SEAG.

Nakatakdang simulan ang SEAG sa Nobyembre 30, kung saan kabilang sa mga lugar na pagdarausan ng mga laro ang Metro Manila, Clark, Subic at iba pang mga lugar.

Kabilang sa magiging abalang lugar para sa SEAG ay ang Rizal Memorial Sports Complex, Athletics Stadium, at Aquatic Center sa New Clark City, at ang Manila Polo Club.

Idinagdag Sinas na aabot sa 27 lugar na titirhan ng mga manlalaro at 19 na pagdarausan ng mga laro ang bibigyan ng seguridad ng NCRPO.

Sinabi pa ni Sinas na magsisimula ang pagpapakalat ng mga pulis sa Nobyembre 22.

Tiniyak naman ni Sinas na wala namang bantang natatanggap ang kapulisan kaugnay ng nakatakdang SEAG.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending