Bagyong Ramon mabagal, napanatili ang lakas
MABAGAL na umuusad ang bagyong Ramon habang papalapit sa kalupaan ng bansa.
Napanatili naman ng bagyo ang lakas nito, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Umaabot sa 75 kilometro bawat oras ang bilis ng hangin nito at may pagbugso na 90 kilometro bawat oras.
Halos hindi ito umaalis sa puwesto.
Bago magtanghali ngayong araw ang bagyo ay nasa layong 420 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Casiguran, Aurora.
Bukas ng umaga ito ay nasa layong 395 kilometro sa silangan ng Tuguegarao, Cagayan, batay sa forecast ng PAGASA.
Sa Linggo posibleng mag-landfall ang bagyo sa Cagayan-Isabela area.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.