SSS, hinikayat ang mga miyembro na i-download ang SSS Mobile App | Bandera

SSS, hinikayat ang mga miyembro na i-download ang SSS Mobile App

Liza Soriano - November 15, 2019 - 12:15 AM

SA gitna nang paglipat nito sa online servicing, hinikayat ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro na i-download ang SSS Mobile Application upang mas mapadali ang kanilang transaksyon sa ahensya.
Layunin ng SSS, sa pamamagitan ng SSS Mobile Application, na mapabilis at mapadali ang proseso ng mga transaksyon at mapaiksi ang pila sa mga sangay nito.
Sa pamamagitan ng SSS Mobile App, madali nang makipagtransaksyon ang mga miyembro kahit kailan at saan man gamit lang ang kanilang mobile devices kaysa magtungo pa sila sa sangay ng SSS.
Makikita sa SSS Mobile App ang kabuuang detalye ng rekords ng isang SSS member gaya ng kontribusyon, natitirang loan, status ng benepisyo at membership information. Maaari ring gamitin ito upang magsumite ng aplikasyon para sa salary loan at maternity notification at mag-generate ng Payment Reference Number o PRN.
Ang SSS Mobile App ay libreng maida-download sa Google Play Store, Apple App Store at Huawei App Gallery at gumagana sa Android 4.4 KitKat at iOS 8.0 o mas mataas pang Android Mobile operating system.
Sa pagtatapos ng Oktubre, mahigit 2.38 milyong beses na itong nai-download sa Google Play Store kung saan pangatlo ito sa nangunguna sa Free Productivity Category. Maging sa Free Utilities Category ay pumangatlo ito sa nangunguna dahil sa mahigit 261,000 downloads sa Apple Store.
Mahigit isang buwan pa lamang simula nang mailunsad ito sa Huawei App Gallery noong Oktubre 7 ngunit mayroon na itong 18,000 downloads at ikalawa sa nangungunang libreng aplikasyon sa ilalim ng Finance Category.
Bukod sa SSS Mobile App, hinihikayat din ng SSS ang mga miyembro na gamitin ang iba pang online service facilities nito tulad ng My.SSS portal sa SSS website, Self-Service Express Terminals (SET) at Text SSS.

SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT
(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058
7th floor SSS Building, East Avenue,
Diliman, Quezon City

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending