Award-winning actress nagtaray sa sinehan, production staff ipinahiya | Bandera

Award-winning actress nagtaray sa sinehan, production staff ipinahiya

Reggee Bonoan |November 15,2019
facebook
share this

Award-winning actress nagtaray sa sinehan, production staff ipinahiya

Reggee Bonoan - November 15, 2019 - 12:05 AM

KITANG-KITA namin kung paano sininghalan ng isang premyadong aktres ang staff ng kilalang movie outfit nang hilingan siyang magbigay ng komento tungkol sa pelikulang kasalukuyang ipinalalabas ngayon sa sinehan.

Ang senaryo: sa gilid ng stage dumaan ang aktres at nang lapitan siya ng staff kung puwede siyang magbigay ng words of encouragement para panoorin ang pelikula bilang suporta sa mga bida at sa producer na dahilan din kung bakit siya pumunta ay nakasimangot ito saka nagsalita ng hindi namin maintindihan at mabilis na pumasok sa loob ng sinehan.

Nakatingin kami sa staff at kitang-kita namin na napahiya siya pero hindi niya ito ipinahalata at nakangiti pa rin. Hindi na kami lumapit sa staff para hindi niya alam na nakita namin ang pangyayari.

Bihira naming makapanayam ang aktres dahil bihira siyang dumalo sa mga presscon ng project na kasama siya, pero sabi nila, mabait naman ito pero sa nakita naming ugali niya, parang kabaligtaran naman.

Tanda tuloy namin ang eksenang binati siya ng isang security guard sa sikat na mall pero hindi niya ito pinansin at dire-diretsong sumakay sa magara niyang sasakyan.

Well, magaling siyang umarte at may acting awards na rin, kilala siya dahil kabilang siya sa showbiz family pero sana maging humble siya sa mga taong hindi niya kasing sikat at kasingyaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending