P6B pambili ng palay inaprubahan ng Kamara
INAPRUBAHAN na ng Kamara de Representantes ang resolusyon upang magamit ang P6.97 bilyong rice subsidy fund na pambili ng palay upang matulungan ang mga lokal na magsasaka.
Sa botong 206-0 at walang abstention, inaprubahan ng Kamara ang House Joint Resolution 22.
Sa ilalim ng resolusyon gagamitin ang pondo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program upang ipambili ng palay. Ang bigas na makukuha rito ang ipamimigay sa mga benepisyaryo ng 4Ps.
Sa ganitong paraan ay matutulungan ang mga magsasaka na naapektuhan ng Rice Tarrification law na nagpabagsak sa presyo ng palay sa P7 kada kilo.
Ang pondo na nasa Department of Social Welfare and Development ay ililipat sa National Food Authority na siyang bibili ng palay sa halagang P19 kada kilo.
May kaparehong panukala rin sa Senado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.