Bong binasag ni Jim Paredes, kontra sa pagbabalik-GMA: Pera, pera lang…
BINASAG ng singer-composer na si Jim Paredes ang planong pagbabalik-telebisyon ni Sen. Bong Revilla.
Ayon sa report, si Bong umano ang magiging host ng isang weekly show sa GMA na mala-Kap’s Amazing Stories din na naging programa niya sa Kapuso Network noong 2007. Nakulong ang senador for plunder and graft charges dahil sa pork barrel scam pero nakalaya rin noong December, 2018.
Ni-repost ng veteran OPM singer ang isang tweet kung saan ibinabalita ang balak ng GMA na bigyan uli ng proyekto sa TV si Bong. Kalakip nito ang kanyang caption na, “PERA PERA PERA lahat. Ok Lang sa inyo na maging role model siya ng kabataan? C’mon GMA. You can do better than this.”
Kung matatandaan, ilang beses na ring binatikos ni Jim si Sen. Bong nang masangkot ito sa PDAF controversy.
Dagdag pang reaksyon ng singer, “Why would a franchise ALLOW this? That is the bigger question. They have social and corporate responsibilities. Their airwaves belong to the Filipino people.”
Mabilis na kumalat ang tweet ni Jim at kung may mga pumabor sa kanyang pahayag marami rin ang nangnega at bumatikos sa kanya. May ilan pa ngang nag-post uli ng mga article at litrato ng kanyang viral video scandal.
Sey ng ilang netizens, mas maniniwala sila sa veteran singer kung wala siyang bahid dungis. Pero dahil nga sa kanyang video scandal, wala siyang credibility na bumatikos ng kanyang kapwa na wala namang ginagawang masama sa kanya.
Pero in fairness, meron din namang nagtanggol kay Jim at nagsabing, video scandal lang ang maaaring ibato sa kanya at hindi siya kailanman nagnakaw sa kaban ng bayan tulad ng ibang politiko.
Samantala, nagbigay din ng kanyang reaksyon ni Manay Lolit Solis sa sinabi ni Jim Paredes sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.
“Naku ha, mukhang nalimutan na ni Jim Paredes ang video scandal niya at tumitira na naman siya ngayon at ang target, si Bong Revilla naman. Dapat nga masaya siya dahil tulad ni Bong, mukhang nalimutan na rin ng tao ang intriga tungkol sa sex video na lumabas.
“Kailangan bigyan mo ng chance ang mga tao na bumabangon muli mula sa pagdapa, kailangan mas maunawain ka kapag iyon binigyan ng second chance nakabangon uli.
“Iyon bill ni Sen. Bong Revilla na mas maaga ibigay ang benefits ng mga senior citizen pinuri na ng mga netizen, bakit heto si Jim Paredes na sarcastic tungkol dito?
“Eh kung buweltahan naman siya nga sa edad mo hindi ka na dapat nagkakaroon ng sex scandal, ‘di ba magiging masakit iyon para sa kanya?
“Isa ako sa nauna noon na nagsabi na dapat unawain natin ang kalagayan ni Jim Paredes kahit pa nga tinawag niya ako demented woman nang mangyari ang scam, dahil tanggap ko na sa isang nagkamali, napakalaking bagay iyon meron kahit isa man lang na magpakita ng pang unawa at ng bukas puso na patawad.
“Sana after the scandal, mas naging maluwag na ang puso at isipan ni Jim Paredes. After all, kung nakagawa ka ng mali, dapat makita mo rin na walang perfect at kung tinanggap ka uli ng tao dapat ganun ka rin mag-welcome sa iba.
“Huwag masyado political at fault finder Jim Paredes. Lagi mo balikan iyon araw na pumutok iyon sex video scandal. Maging aral iyon sa iyo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.