ANG Chronic Obstructive Pulmonary Disease o COPD ay isang matinding sakit sa baga dahil mahihirapang huminga ang taong meron nito. At kung hindi maagapan, ang mga sintomas ng COPD ay maaaring lumala at maging sanhi ng kamatayan.
May dalawang uri ang lung o pulmonary disease na ito: Chronic Bronchitis at Emphysema.
Ang Chronic Bronchitis ay ang pagdami ng mucus na dulot ng pamamaga ng mga breathing tubes sa loob ng baga.
Pagkasira naman ng air sacs o pagguho ng pinakamaliit na breathing tubes ng baga ang emphysema.
Ayon sa World Health Organization, ang COPD ay maaaring maging pangatlo sa pangunahing sanhi ng pagkamatay sa buong mundo pagdating ng 2030.
Umaabot naman sa 210 milyong katao sa buong mundo ang apektado ng COPD. Ito ay nasa top 7 cause of death ng mga Pinoy.
Mga sintomas ng COPD:
– hirap sa paghinga
– madalas na pag-ubo, may plema man o wala
– pagsisikip ng dibdib
– biglaang pagpayat
– madaling mapagod
– pagsakit ng ulo sa umaga
Dahil isang progresibo o lumalalang sakit ang COPD, maaaring magsimula ito sa ilang sintomas lamang at saka lalala paglipas ng panahon. Kaya mahalagang magpunta agad sa doktor para magpakonsulta sa kung anong dapat gawin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.