Alden pinuri, pinalakpakan sa 'morgue scene' ng The Gift | Bandera

Alden pinuri, pinalakpakan sa ‘morgue scene’ ng The Gift

Cristy Fermin - November 11, 2019 - 12:15 AM


NAPAKAHUSAY ng pagganap ni Alden Richards sa pinagbibidahan niyang seryeng The Gift sa eksena sa morgue habang yakap-yakap niya ang bangkay ni Faith (Thia Thomalla).

Tumutulay ang kilabot sa manonood dahil parang totoong-totoong namatayan ang aktor sa tunay na buhay sa ipinakita niyang pag-arte.

May lihim na pagmamahal si Sep kay Faith, pero inagaw sa kanya ni Martin del Rosario (Jared) ang dalaga, hanggang sa magkaroon siya ng pangitain na sinasakal si Faith.

Napakasakit ng iyak ni Sep dahil hindi niya nagawang iligtas si Faith, kasama si Mikee Quintos ay pinagsikapan niyang daluhan ang dalaga pero huli na ang lahat, dinala ito sa isang malayong lugar ni Jared at du’n napatay.

Kapag ganu’n nang ganu’n ang pagganap na ipakikita ni Alden Richards ay maihihilera na nga siya sa mahuhusay na aktor ng kanyang panahon. Hindi lang siya guwapo, hindi siya basta tinitilian lang, puwede rin siyang ipanglaban sa aktingan.

Paganda nang paganda ang daloy ng kuwento ng The Gift, mabilis ang pacing, halatadong hindi ‘yun tahasang pinahahaba lang ng produksiyon para magtagal sa ere.

Nananalamin si Alden Richards sa kanyang role bilang si Sep na may magandang puso, mapagpatawad, matulungin sa kanyang kapwa.

Sa tunay na buhay ay ganu’n din ang mga papuring tinatanggap ng Pambansang Bae. Sa kabila ng kasikatan ay wala siyang kaere-ere, nananatiling mapagkumbaba, mabuti ang puso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending