‘Write About Love’ nina Miles, Rocco, Joem at Yeng may ‘K’ makapasok sa MMFF 2019

By Ervin Santiago November 10,2019
share this

‘Write About Love’ nina Miles, Rocco, Joem at Yeng may ‘K’ makapasok sa MMFF 2019

By Ervin Santiago November 10,2019
share this

POSITIBO ang buong production ng pelikulang “Write About Love” na maswerteng nakapasok sa Magic 8 ng 2019 Metro Manila Film Festival, na magugustuhan ng madlang pipol ang kuwento nito.

Inamin ng direktor ng pelikula na si Crisanto Aquino na hindi nila in-expect na makakasali ang latest offering ng TBA Studios sa taunang festival, pero naniniwala siya na maraming nakitang plus points sa movir ang MMFF Selection Committee kaya sila napili.

Ito ang first time magkaroon ng entry ni Direk Cris sa MMFF kaya triple ang excitement na nararamdaman niya para sa kanilang entry. At alam niyang malalakas at malalaking pelikula talaga ang makakalaban nila.

Pero aniya, confident siya na may ilalaban ang kanilang pelikula at tiwala rin siya sa cast ng “Write About Love” na kinabibilangan nina Miles Ocampo, Rocco Nacino, Joem Bascon at Yeng Constantino.

Kuwento pa ni Direk Cris, habang isinusulat niya ang script ng movie, si Miles na ang naiisip niya na gumaganap dito dahil bukod sa isang writer din ang young actress, matagal na siyang bilib sa husay nito bilang aktres.

“Write About Love is a film of many firsts. Aside from it being my first directorial assignment, it is also the first major starrer of Miles. I am truly grateful to TBA Studios for allowing me to write, produce and direct this beautiful film.

“Miles is perfect for the role because of her authenticity. She is currently taking up Creative Writing at UP Diliman and like her character is also an NBSB (no boyfriend since birth). The movie will make you feel as if the role was specifically written for her,” aniya pa.

Para naman sa mga executives ng TBA Studios, naniniwala silang magiging matagumpay ang “Write About Love” sa pagsabak nito sa MMFF. Sabi nga ni Mr. Ting Nebrida, TBA president at executive producer, ”TBA Studios is confident that ‘Write About Love’ is going to be a success because aside from it being the only romantic, feel-good entry at the 45th MMFF, the film was made in honor of the 100 Years of Philippines Cinema.”

Nagpasalamat din ang bossing ng TBA sa bumubuo ng MMFF, “We are thankful to the MMFF Selection Committee. This is also our third time at the MMFF after ‘Bonifacio: Ang Unang Pangulo’ (2014), ‘Sunday Beauty Queen’ (2016), at ngayon itong ‘Write About Love.’”

Kaugnay nito, isang media thanksgiving luncheon ang inilaan ng TBA Studios na ginawa sa Café Ysabel sa San Juan na dinaluhan nina Fernando “Nando” Ortigas (Chairman), Eduardo “Ed” Rocha (CEO) and Mr. Nebrida. Dumalo rin ang writer at director na si Cris, executive producer Daphne Chiu at TBA’s newly appointed global marketing chief & special projects head, Joyce Ramirez.

Pinasalamatan nila ang mga entertainment editor at writer na tumulong sa kanila para maging bukambibig ang kanilang pelikula.

Naniniwala kasi silang malaki ang naitulong ng entertainment editors and writers para makakuha ng atensiyon at mapasama sa pagkakapili sa natitirang apat na entry sa MMFF 2019.

“Being selected in this year’s 2019 MMFF validates my more than 14 years in the film industry. I started as a Production Assistant and over the years I helmed my craft as a First Assistant Director. I am truly humbled and grateful to all those who supported my filmmaking journey,” lahad pa ni direk Cris.

In fairness, we also believe na may karapatang makapasok ang “WAL” sa MMFF 2019 dahil naniniwala kami na lahat ng proyekto ng TBA ay dekalidad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending