Kilalang aktor patapon na ang career, walang ginawa kundi matulog at mag-computer

By Cristy Fermin November 10,2019
share this

Kilalang aktor patapon na ang career, walang ginawa kundi matulog at mag-computer

By Cristy Fermin November 10,2019
share this

SABI’Y nagbago na raw ang isang walang disiplinang male personality. Napagod na raw siya sa walang kamatayan niyang katamaran. Nangako siyang magbabago na, mamahalin ang kanyang trabaho, pero press relase lang naman pala niya ‘yun.

Hanggang ngayon ay napakabigat pa rin ng kanyang katawan, gising siya sa magdamag pero tulog naman sa maghapon, ganu’n ang ikot ng mundo ng kilalang male personality.

Kuwento ng isang source, “Alam n’yo bang hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa bansa natin? Wala siyang alam! Nagkaroon nang matinding bagyo na ang dami-daming buhay ang nawala, pero hindi niya alam!

“Nagkakaroon ng mga kalamidad, pero wala siyang alam, kasi nga, e, tulog naman siya sa maghapon! Sa gabi, e, laro lang siya nang laro ng computer, kaya ano nga ang mababalitaan niya tungkol sa bansa natin?” napapailing na chika ng aming impormante.

Kinausap siya ng mga namamahala sa kanyang naghihingalo nang singing at acting career. Pinayuhan siyang magbago na dahil hindi na siya bumabata.

Patuloy ng aming source, “Oo raw naman! Oo lang siya nang oo! Nagpakitang-gilas naman siya sandali, may ginawa siyang movie, pero hindi naman siya pinakinabangan sa promo!

“Anong pakinabang ang makukuha sa kanya ng production, e, tulog na tulog siya sa maghapon? Sabi nga ng mga taong nagmamalasakit sa kanya, e, sayang na sayang ang career niya.

“Gifted pa naman siya. Maganda ang voice niya, napakaganda! At nakakaarte siya, magaling ang mokong na ‘yun sa comedy, nakapagda-drama rin siya!

“Pero ewan kung bakit siya ganu’n! Parang nawalan na siya ng ganang magtrabaho! Puro sarap lang ng katawan ang gusto niya! Pati nga ang lovelife niya, e, pinabayaan na rin niya!

“Sinawaan na yata siyang magpamilya, e! Napakawalang disiplina talaga ng taong ‘yun, wala siyang pakialam kung naunahan na siya nang milya-milya ng mga ka-contemporary niya, basta tulog lang siya nang tulog!

“Give na give na kung sino siya, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, wala nang dagdag na clue!” pagtatapos ng aming impormante.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending