UPANG mapabilis ang pagbibigay serbisyo , higit pang dinagdagan ang paggamit mga online platforms sa pakikipagtransaksyon sa ahensya na inaasahang aabot 32.3 milyong web transactions sa 2020.
Pag-iibayuhin ng ahensya ang electronic service nito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga transaksyon na maaaring gawin online at pararamihin pa ang mga paraan kung saan maaaring makapagbayad sa SSS.
Mas madali, mas mabilis, at mas accessible sa mga miyembro ang mga transaksyon sa SSS gamit ang makabagong teknolohiya.
Sa pamamagitan ng digitalization ng mga pangunahing serbisyo, maihahatid isa mga miyembro sa simpleng pagpindot lamang sa kanilang cellphone o computer.
Makatutulong ang electronic services ng SSS sa mga miyembro at pensyonado.
Gamit ang mga electronic facilities, makatitipid ang mga miyembro naman ng kanilang oras, pera, at pagod.
Batay sa datos ng SSS, simula Enero hanggang Hunyo 2019, sa kabuuang bilang na 37.16 milyong transaksyon, 26.63 milyon dito o 72 porsyento ay over-the-counter habang 10.54 milyon lamang o 28 porsyento ang nagawang transaksyon sa electronic channels.
Ayon pa sa datos, sa kabuuang 14.95 milyong active paying members ng SSS mula Enero hanggang Hunyo 2019, 37 porsyento o 5.49 milyong indibidwal na miyembro lamang ang rehistrado sa website.
Sa kabilang banda, ang lahat ng 396,686 na aktibong employers ay nakarehistro sa SSS web facility mula Enero hanggang Hunyo 2019.
Sa kasalukuyan, mayroong anim na electronic channels ang SSS na magagamit ng mga miyembro at pensyonado. Ito ay ang mga sumusunod: (1) SSS Website – My.SSS, (2) SSS Mobile App, (3) Self-Service Express Terminal (SET), (4) Interactive Voice Response System (IVRS), (5) Text-SSS at (6) Contribution payments thru electronic channels.
Tumaas ng 8 porsyento ang paggamit ng mga electronic facilities na ito na umabot ng 10.54 milyon kumpara sa unang semestre ng 2018. Umaasa kaming mas mapatataas pa ang numerong ito sa 2020
Nais ng SSS na tanggalin na ang paggamit ng mga tseke sa pagbabayad ng mga benepisyo sa pamamagitan ng transaksyon sa PESONet at thru-the-bank program.
Sa paunang implementasyon ng digitalization, babaguhin ng SSS ang 33 branches at lalagyan ng mas pinalaking mga lugar para sa e-Center.
President Aurora Ignacio
SSS
SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT
(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058
7th floor SSS
Building, East Avenue,
Diliman, Quezon City
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.