Philippine title fights ikinasa para sa mga bakanteng korona
TUMUGON agad sa panagawan ng Games and Amusement Board (GAB) ang mga managers, matchmakers at promoters na mapununan ang mga bakanteng Philippine championship titles.
Paglalabanan nina Ar-ar Andales ng Cavite City at Joel Lino ng Davao City sa isang 12-round match ang bakanteng minimumweight title sa Nobyembre 15 sa Mindoro City habang maghaharap sa isa ring 12-round fight sina Chris Paulino ng Rizal at Wilbert Berondo ng Parañaque City sa Disyembre 14 para sa bakanteng super flyweight championship sa The Flash Ballroom, Elorde Sports Center sa Sucat, Parañaque City.
Pagtatalunan naman nina Al Toyogon ng Misamis Oriental at Marbon Bodiongan ng Lipa City ang bakanteng super featherweight title.
Samantala, binawi kay Genesis Libranza ang kanyang hawak na flyweight title matapos na mabigong maidepensa ang korona sa itinakdang panahon.
Base sa Article 20 ng Amended Manual Governing Professional Boxing in the Philippines, nakasaad na kailangang madepensahan ng kampeon ang kanyang hawak na titulo sa loob ng anim na buwan. Nakamit ni Libranza ang titulo noong Oktubre 14, 2018.
Sinabi nina GAB chairman Abraham “Baham” Mitra, at mga commissioner na sina Mar Masanguid at Ed Trinidad ang pasasalamat sa naging tugon ng mga boxing promoters na gawin ang Philippine Championship upang maiwasan ang malaking kakulangan sa boxing rating.
Sa pinakabagong GAB ranking, lima ang kasalukuyang kampeon at ito ay sina Giovanni Escaner ng Parañaque City na Philippine (GAB) bantamweight (118 lbs) champion; Mark Anthony Geraldo ng Valencia City, Bukidnon na Philippine (GAB) super bantamweight (122 lbs) champion; Roldan Aldea ng Kabankalan City, Negros Occidental na Philippine (GAB) lightweight (135 lbs) champion; Jheritz Chavez ng San Pedro, Laguna na Philippine (GAB) super lightweight (140 lbs) champion, at Jayar Inson ng Davao City na Philippine (GAB) welterweight (147 lbs) champion.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.