Marian: Wala kaming issue ni Lovi… Mas masarap yung walang kaaway

By Ervin Santiago November 08,2019
share this

Marian: Wala kaming issue ni Lovi… Mas masarap yung walang kaaway

By Ervin Santiago November 08,2019
share this

MARIAN RIVERA

“MAS masarap yung wala kang kaaway!” Yan ang ipinagdiinan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera nang humarap sa entertainment media kahapon.

Gumawa ng ingay ang muling pagkikita nila ni Lovi Poe sa weekly variety show ng GMA 7 na Sunday PinaSaya makalipas ang ilang taon. Nagkaroon ng issue ang dalawang Kapuso stars noong kasagsagan ng kontrobersya sa pagitan nina Marian at Heart Evangelista.

Nadamay si Lovi sa intriga dahil kinampihan daw nito si Heart hanggang sa mabalita ngang hindi na rin nagpapansinan ang anak ni Da King Fernando Poe, Jr. at si Marian.  

Kaya sa nakaraang presscon ni Marian para sa pagpirma niya uli ng kontrata bilang ambassador ng Beautederm Home, natanong ang misis ni Dingdong Dantes tungkol sa muling pagkikita nila ni Lovi.

Ayon kay Marian, wala naman daw silang isyu ni Lovi at masaya siya sa muli nilang pagkikita. 

“Habang tumatanda ka, siguro mas gugustuhin mo na may masarap na buhay, na araw araw tuwing may makakasalubong ka lahat nakangiti sa’yo.

“At wala kaming away ni Lovi, at nagpapasalamat ako sa Sunday PinaSaya kasi doon kami nagkasama ulit. Nagyakapan na lang kami, nag-kumustahan kaming dalawa,” pahayag pa ni Marian.

 “Napakasarap sa pakiramdam, ang sarap ng ganoon, e, na wala kang iniiwasang tao, masaya ka. Mas masarap na walang kaaway, lahat kabati mo,” dugtong pa ng Kapuso TV host-actress.

“At saka ang tanda ko na, dalawa na ang anak ko, gusto kong makita ng mga anak ko na masarap mabuhay na walang kagalit na puro pagmamahal ang ibibigay mo,” aniya pa.

Ibig sabihin lang nito, bukas na rin si Marian sa pakikipag-ayos kay Heart. At sabi nga ng ilan nating colleagues sa entertainment media, siguradong pasabog kapag pinagsama-sama ng GMA sa isang teleserye sina Marian, Heart at Lovi. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending